Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paul Hernandez, tumulong sa habal-habal drivers sa panahon ng quarantine

ANG newbie actor na si Paul Hernandez ay isa sa mga taga-showbiz na tumulong o nagbigay ng ayuda sa mga kababayang nangangailangan ng suporta.

Full-support naman sa kanya ang magulang upang mapangalagaan ang kanilang mga kababayan at kabarangay sa Tuburan, Danao City.

“Yes po, nasa Cebu ako, okay naman po ako. Malungkot nga lang sa nangyayari. Sana bumalik na sa normal at malalampasan din natin ito,” panimula ni Paul.

Aniya pa, “Ang mga ipinamigay po namin ay bigas, canned goods, toiletries, biscuits, chocolate powder/coffee.

“Ang nabigyan po namin ng ayuda ay yung mga kabarangay lang po, yung mga mas nangangailangan lang talaga po tulad ng mga habal-habal drivers at yung mga nakatira sa mga barong-barong na bahay lang po.”

Bakit niya naisipang gawin iyon?

Tugon ng Cebuano actor, “Since mga bata pa po kami, tinuruan na po kaming magkakapatid na maging generous, huwag maging madamot lalo na sa mga mas nangangailangan. Since I was four or five years old ay namimigay na po talaga kami ng Pamasko rito sa amin sa Danao city, lalo na po sa barangay namin. Mga biscuits, candies, chocolates, pagkain, at mga damit… So, nakaugalian ko na rin po ito, kaya ko naisipang tumulong din po ngayon.”

Pahabol pa ni Paul, “Medyo kinapos po ako sa budget kaya noong in-open-up ko sa family ko ay sumuporta rin naman sila. Mayroon din akong mga kaibigan na nag-donate rin ng cash para pangdagdag na rin sa pambili ng goods.”

Si Paul ay nakilala sa pelikulang Marineros at One Silent Morning sa pangangalaga ng Golden Tiger Films. Siya ay talent ng prolific director ng mga advocacy films na si Direk Anthony Hernandez.

Ang next projects ni Paul ay ang The Proposal ni Direk Anthony at The Broken Voice-Part 2 ni Direk Ryan Tibay.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …