DAHIL sa kinakaharap nating problema ngayon, maraming mga Filipino mula sa iba’t ibang estado ng buhay ang laging nariyan at abot kamay para tumulong.
Isa na rito ang dating miyembro ng sumikat na all male boy group na Dance Squad Singers na si Zyrus Desamparado na panandaliang iniwan ang showbiz at nanirahan na sa Cebu kasama ang pamilya.
Kasama ang UpperClass Cebu Basketball League Commissioner & KGB Production President na si Zyrus at sa tulong ng dating EB Babes na si Lian Paz namigay sila sa mga frontliner sa Cebu City ng Vdrink Malunggay Juice at HELL Energy Drink Philippines.
Bukod sa pagtulong sa mga frontliner ay balak ding mamahagi ni Zyrus ng nasabing energy drink sa iba pang mga Pinoy para mas lumakas ang mga ito at mapaglabanan ang Covid-19.
MATABIL
ni John Fontanilla