MAY mabuting puso at bukas ang palad sa pagtulong sa mga nangangailangan lalo na ngayon sa gitna ng problemang kinahaharap ng bansa ang CEO/ President ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan.
Nagpa-online sale sa kanyang personal FB account si Tan tulad ng mga mamahaling damit, shades, bags, alahas, sapatos at iba pa na ang kinita ay itinutlong sa mga frontliner at mga kababayan nating nangangailangan ng tulong sa kanyang #LuxuryforAcouse.
Post nga nito sa kanyang FB account, “Hello po!! Maraming Salamat sa mga unang sumali po ng pabid ko! #LuxuryforAcause!! Marami na po tayong napangiti !!
“Kaya salamat po !! Sharing this to inspire others , na kahit malaki man o maliit ay pwede tayong makatulong sa ting mga kapatid . Let us all say #YestoLove please… 🏼🏼🏼 #WeHealAsOne!!
“#ContriBeauT po tayo . No one has ever become poor by giving.
God bless us all! And Yes, this too shall pass. Amen 🏼🏼🏼.”
Patuloy nga itong tutulong sa mga kababayan nating nangangailangan sa abot ng kanyang makakaya.
MATABIL
ni John Fontanilla