Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday may Team Ginalyn at Team Caitlyn na

ARTISTA man o ordinaryong tao ay apektado ng matinding panganib ng sakit na COVID-19, tinanong namin si Barbie Forteza kung paano siya naapektuhan nito?

“Hindi po muna kami nagte-taping. Mula rin po noon, hindi ako umaalis ng bahay. Napakalaking impact ng COVID-19. Lahat tigil. Lahat cancelled.”

And since nagte-taping sila ng Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday bago mag-lockdown, ano ang precautionary measures ni Barbie para pangalagaan ang sarili?

“Isa sa mga pinakaimportante ay ang pagsuot ng face mask. Palaging maghugas ng kamay at kahit artista ako, bawas muna sa beso at pa-picture. Kaway-kaway na lang muna.”

Alam ni Barbie na napakalaki ng epekto ng COVID-19 scare sa telebisyon at sa pelikula.

Nakiisa rin ang Kapuso Primetime Princess sa mga celebritiy na nananawagan sa lahat na sumunod sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa gitna ng banta ng COVID-19.

Nakiusap ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday lead star sa mga kabataang tulad niya na kung maaari ay manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay.

“Kung feeling ninyo mga bagets kayo at hindi rin naman kayo mahahawa dahil malakas ang resistensiya n’yo at mabilis naman kayong gagaling, ang sa akin, paano ‘yung mga magulang ninyo na nasa bahay na mas matanda na kompara sa inyo at mas mahina ang immune system?

“Puwede kang maging carrier ng virus without showing any symptoms.

“So huwag ninyo na pong hintayin na magpakita pa ng symptoms bago kayo mag-stay sa bahay. As soon as possible, keep yourselves safe, keep yourselves healthy,” dagdag pa ni Barbie.

Bago itigil ang taping ng mga shows ng GMA, mga mabibigat na eksena sa Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday ang napanood ng publiko.

Kuwento ni Barbie, “Mayroong mga away at kaunting sakitan pero inalagaan naman kami ng direktor namin sa lahat ng eksena kaya nagawa namin ng maayos at safe.”

May naging obserbasyon si Barbie sa co-star niyang si Kate Valdez.

“Si Kate, mabilis siyang maapektuhan kahit sa mga maliliit na bagay.

“Which is good kasi bilang artista, kailangan talaga ‘yun. Maging sensitive. Siguro ‘wag lang personalin lahat ng bagay. Mahilig siyang magkuwento at humingi ng advice.”

May Team Ginalyn (Barbie) at Team Caitlyn (Kate) na ang fans at netizens.

“Masaya dahil ibig sabihin hooked na sila sa istorya namin at naiintindihan nila ang conflict niyong characters. Versus na talaga ha! ha! ha!

May mga natutunhan rin si Barbie sa iba pa nilang co-stars tulad nina Dina Bonnevie at Snooky Serna.

“Ang natutun]han ko po kay Ms. Snooky ay ang bawasan ang pag-o-overthink dahil makaaapekto sa akin ‘yun ‘pag nag-eeksena. Kay Ms. D naman po, kung paano laruin ‘yung mga dialogue para kahit same thought, hindi paulit-ulit ‘yung sinasabi.”

Ano ang lesson na gusto nilang iparating sa viewers?

“Kahit anong mangyari, ‘wag mong kalilimutan kung sino ang unang nagmahal sa iyo at hindi ka iniwan.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …