Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Make-up artist ni Boyet, buhay at ‘di positive sa Covid-19

ITINANGGI ni Sandy Andolong, asawa ni Christopher de Leon, na may make-up artist sa seryeng Love Thy Woman na yumao dahil sa COVID-19 virus.

Ang nabanggit na serye sa Kapamilya network ang huling nalabasan ni Boyet (Christopher) bago ito na-test na positibo sa corona virus.

Sa interbyu  kay Sandy ni Gorgy Rulla sa DZRH radio program nito na Showbiz Talk Ganern noong Linggo ng gabi, March 22, sinabi ng aktres na regular ang communication nila ng mga taga-Love Thy Woman, lalo na ang business unit head na si Carlina de la Merced.

“Wala silang naikukuwento sa akin.

“Probably, ako naman ang una niyang sasabihan, ‘no?” pahayag ni Sandy.

“She (Carlina) will let us know. Nag-home quarantine lang sila,” bigay-diin pa ng misis ni Boyet.

Parehong walang binanggit na pangalan ng kahit sino man sa make-up artists sa Love Thy Woman sina Sandy at Gorgy. Madalas ay ‘di lang isang make-up artists ang nakatoka sa malalaking show na gaya ng Love Thy Woman. 

Sa nakarating na fake news sa kanilang dalawa, ang pinalalabas na yumao dahil sa corona virus ay ‘yung naka-assign kay Boyet.

Nauna nang pahayag si Sandy kay Gorgy: “Eto ngang make-up artist niya, eh. Natsitsismis na namatay na raw sa Taytay. That’s really, really sad. 

“Hindi nakatutuwa. Because it’s very stressful for the other person… sa pamilya niya.” 

Kalunus-lunos na ang bilis mag-post ng ilang netizens sa kanilang social media, kahit hindi pa naman nakompirma sa mga tao na may kinalaman sa ibinabando nila.

“They should be very careful of what they post, ha? They have to make sure na it’s really true, and it’s a fact. Dapat manggaling sa kinauukulan. They cannot just post anything,” saad pa ng 58-anyos na aktres.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …