MALAKING dagok sa showbiz ang Covid-19 dahil marami ang naapektuhang shows at pelikula.
Tulad ng mga trabaho sa gobyerno at pribado, apektado rin ang mga nagtatrabaho sa telebisyon at pelikula dahil natigil lahat ang live shows, tapings, at shootings.
Hindi lang artista ang apektado o mga producer. Apektado rin ang mga nagtatrabaho sa likod ng kamera, mga PA gayundin ang mga manunulat na tulad naming.
Ang mga pelikulang dapat ay ipalalabas ngayong buwan ay hindi na rin itinuloy dahil sino nga naman ang manonood gayong ipinag-utos ng pangulo ang enhanced community quarantine. Ibig sabihin, bawal lumabas ang mga tao maliban sa mga doctor, nurse, mga nagtatrabaho sa pharmacy, grocery at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao.
Hangad naming matapos na ang pagsubok na ito. Kailangan lamang nating huwag na masyadong magreklamo, sumunod na lamang sa ipinag-uutos ng pamahalaan para matapos na rin ang ating kalbaryong nararamdaman.
Dapat ding huwag kalimutang magdasal dahil ito ang pinakamalakas na panlaban natin sa Covid-19
SHOWBIG
ni Vir Gonzales