Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine to Chuckie — There was no us

NAKU, napahiya si Chuckie Dreyfus noong sabihin ni Sunshine Cruz na hindi totoong naging magsyota sila noong panahong magkasama pa sila sa That’s Entertainment. Noon kasing maging guest si Chuckie sa  Huwag kang Judgmental, portion ng Eat! Bulaga, natanong siya kung ilan ang naging girlfriends niya roon sa That’s Entertainment. Ang isinagot niya, ”siyam o sampu yata.”

Nang sabihin sa kanya na pangalanan niya maski dalawa lang sa siyam o sampung iyon, binaggit niya ang pangalan nina Jessa Zaragoza at Sunshine.

Mabilis na nag-react si Sunshine at inilagay sa kanyang social media post na ”there was no us.”

Ikinaila rin ni Sunshine ang sinabing iyon ni Chuckie, at sabi nga niya sa amin, ”alam naman ninyo nang pumasok ako sa ‘That’s,’ ilang taon lang ako noon. Wala pa akong alam sa ligawan at saka alam naman ninyo hindi ba, ang una kong naging boyfriend iyong naging asawa ko rin. Siguro nga if I had the experience of having boyfriends before, baka iba ang kuwento ng buhay namin, kaya lang siya ang unang nanligaw eh. Nene pa ako noon,” sabi ni Sunshine.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng ganyang klaseng reaksiyon sa mga statement ng mga kasali sa Huwag Kang Judgemental. Wala pang nade-deny na statements doon.

Totoo iyong sinasabi ni Sunshine, kasi nagsisimula pa lamang ang batang iyan ay naging close na iyan sa amin, at wala siyang nababanggit noon na naliligaw sa kanya si Chuckie. Wala rin naman kaming narinig mula sa iba. Eh iyang si Sunshine, walang sikreto iyan. Noong una ngang manligaw sa kanya si Cesar Montano inamin agad niya eh, although nakiusap siyang huwag naman munang isulat.

Kaya sa totoo lang, maski kami nabigla nang mapanood namin si Chuckie na binanggit ang pangalan ni Sunshine. Iba ang alam naming gustong diskartehan ni Chuckie noong panahong iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …