Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-iinang Kris, kinupkop muna ni Willie sa kanyang private resort

NASAAN nga ba ang bagong beach resort ni Willie Revillame na ‘di pa pinasisinayaan at parang inililihim pa ni ang lokasyon?

Pero kung nasaan man ‘yon, siguradong alam ni Kris Aquino at ng dalawa n’yang anak na ‘di naman sila sumakay ng van o kotse para makaratiting doon.

Helicopter ang sinakyan nila papunta sa beach resort na ‘yon na nasa kung-saan.

Pag-aari ng Wowowin host-producer ‘di lang ang beach resort kundi pati na ang helicopter na sinakyan ni Kris at nina Josh at Bimbi. Nang mabalitaan ni Willie na nasa Boracay ang mag-ina at matetengga roon habang naka-community quarantine pa ang Metro Manila (o National Capital Region) inalok n’ya si Kris na ipasusundo sila sa Boracay sa kanyang helicopter para makauwi sila nang mabilis sa bahay ni Kris somewhere in Quezon City.

Pero mukhang sumagot si Kris na ‘di pa rin naman sila makadidiretso sa bahay n’ya dahil ipinare-renovate pa n’ya ang second floor ng bahay at linggo pa rin bago matapos ang renovation.

Nang malaman ni Willie ‘yon, dinagdagan nito ang alok: libreng bakasyon sa bagong resort n’ya na ang location ay ‘di pa hayag sa publiko. Pero mukhang mas malapit ‘yon sa kung ano mang syudad na makabibili ng mga gamot at kung ano-ano pang requirements para sa kalusugan nilang mag-ina kaya tinanggap din ni Kris.

Ang lahat ng ito ay si Kris mismo ang nagbunyag kamakailan sa ipinost n’yang video sa Instagram n’ya.

Ipinakita niya sa video ang helicopter na sumundo sa kanilang mag-iina, na sinundan naman ng eksenang nasa yate na sila ni Willie sa isang beach resort. Sa yate ay ibinibida ni Kris ang mga detalye sa ipinatatapos pa lang ni Willy na beach resort.

Sandali rin na mapapanood sa video si Willie na personal pang nag-i-spray ng pabango sa kuwartong gagamitin ni Kris.

Sa caption ng video, ikinuwento naman ni Kris kung paano sila “kinupkop” ni Willie. Heto ‘yon (as is) :

“i’ll try to make this short, TRY— for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma. 

“A kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami. bakit di po kami dumirechong umuwi? wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week.”

Dahil sa generosity na ipinakita ni Willie, nag-iwan din si Kris ng positibong mensahe para sa kanyang followers.

“if you want a tour of willie’s new beach property (para gumaan ang stress) kayo na mag request here, i’ll show him— na SHY na ko,” paghikayat niya sa kanyang followers.”

Dagdag pa ni Kris: “i included shots of how beautiful our country is, para maalala nating mag TULUNGAN sa gitna ng pagsubok, magsuportahan, magpakatatag, sumunod sa mga pagpapahalaga sa KALUSUGAN ng LAHAT, magdasal para sa isa’t isa, at magmahalan.”

Punahin n’yo na ‘di binanggit ni Kris sa caption n’ya ang exact location ng resort. Sa ilalim ng pangalan ni Kris sa Instagram n’ya ang nakalagay ay “Philippines” —  hindi syudad o probinsyang kinaroroonan n’ya.

Matindi talaga ang appeal ng personalidad ni Kris kay Willie na ilang beses na ring nagpahiging sa Queen of All Media na handang-handa siyang maging mister, o kahit boyfriend lang nito.

Hindi rin naman ipinagkakaila ni Kris na tuwang-tuwa siya kay Willie dahil pati ang mga anak n’ya ay pinapahalagahan din nang husto ng TV host.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …