“My life in 2019? Full of experiences and lessons na sobrang malala, sobra!
“I feel like ‘yung maturity ko, ‘yung journey to adulthood, grabe talaga ‘yung mga natutuhan kong lessons sa 2019, na mas ready na ako sa 2020.”
Ito ang sagot ni Migo Adecer sa tanong kung paano niya ilalarawan ang naging buhay noong 2019.
Ano ang mga bagay na natutuhan niya sa nakaraang taon?
“Siyempre ‘pag may ginagawa kang masama, napapalo kayo, ‘di ba?
“So napalo ako, and from there dalawang desisyon lang, either I learn from it or repeat it and mas worse ‘yung mangyayari.
“So, luckily, matalino naman ako, kaya I chose to learn from my experiences. From that, I think also through Sahaya, my work ethic became more professional, I gave more importance to my work, sa Studio 7, finally may variety musical show kami, I can express myself musically.”
Isa rin sa main hosts si Migo ng All Out Sundays.
Ano ang reaksiyon ng parents niya sa mga recent na kaganapan sa buhay ni Migo, partikular na ang kaso niya last year?
“Wala, siyempre nag-try silang mag-guide sa akin, pero ako matigas talaga ulo ko, mas matigas sa bato, oo, seryoso ako.”
Ngayong 2020, matigas pa rin ba ang ulo niya?
“Oo, matigas, pero matigas sa magiging maayos. Ha! Ha! ha!
“Solid na, solid na ‘yung behavior ko.”
Bukod kina Migo (bilang Cocoy), Barbie Forteza (bilang Ginalyn), at Kate Valdez (bilang Caitlyn) ay nasa Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday sina Snooky Serna (bilang Amy) at Dina Bonnevie (bilang Sussie) together with Jay Manalo (bilang Joaquin), Teresa Loyzaga (bilang Dorcas), Jean Saburit (bilang Vanessa), Tanya Montenegro (bilang Glenda), Benedict Cua (bilang Benny), Faith da Silva as Agatha, at Ms. Celia Rodriguez bilang Zenaida.
Sa direksiyon ni Mark Sicat dela Cruz, napapanood ito pagkatapos ng 24 Oras.
Rated R
ni Rommel Gonzales