Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Debut album ni Ianna Dela Torre, inilabas na; Karjon, tampok sa music video

MASAYANG-MASAYA ang world champ na si Ianna Dela Torre dahil finally ay inilabas na ang kanyang debut album sa ilalim ng Star Music, matapos siyang pumirma ng kontrata sa music label noong isang taon.

Naging matunog ang pangalan ni Ianna nang sumali sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) noong 2013, na nanalo siya bilang Junior Grand Champion performer at Champion Vocalist of the World.

Ang debut album niyang IANNA ay ipinrodyus ni Joel Mendoza sa pakikipagtulungan sa ilan sa mga pinakamahuhusay na composer at producer sa industriya. Masusi ring pinili ang mga kantang napabilang sa album para maikuwento ang istorya ng isang dalaga na naging isa nang ganap na babae.

Bida sa album ang pinakabagong single niyang Wala Kang Kapalit, isang modern classic ballad tungkol sa walang hanggang pag-ibig at ang pagsisisi dahil sa pagtatapos nito.

Tampok sa album ang carrier single na Pinapa, pati na ang iba pang mga orihinal na kanta gaya ng Always You, Love is Spelled Y-O-U, Kahit sa Panaginip Lang, Alam Kong Nandyan Ka, at Ang Sabi Mo. Mapakikinggan din ang revival ni Ianna na komposisyon ni Maestro Ryan Cayabyab, ang Kailan, Together Forever ni Rico J. Puno, at cover ng Through The Fire ni David Foster.

Isa lang si Ianna sa mga mang-aawit ng ABS-CBN Music, na tahanan ng ilan sa mga pinakamagagandang OPM music mula sa nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN.

Pakinggan ang debut album ni Ianna sa iba’t ibang digital streaming platforms, at panoorin ang music video ng Wala Kang Kapalit tampok sina Karina Bautista at Aljon Mendoza, PBB alumni sa YouTube channel ng Star Music.

Bukod kay Ianna, excited din sina Karina at Aljon sa kanilang music video. Katunayan nag-post pa si Karina sa kanyang Twitter account. Aniya, KarinaBautista @MissKareee,“

Thank you for my first music video @StarMusicPH @MYXphilippines @OneMusicPH omyyy “

Ang dalawa bilang KarJon ay kasalukuyang napapanood sa afternoon drama na Sandugo. Magiging parte rin sila ng romance-comedy movie na Di Tayo Bagay tampok sina Erich Gonzales at Arjo Atayde.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …