Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CEO ng Beautederm, bilib na bilib kay Darren

HINDI itinago ng CEO-Presidente ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na matagal na niyang gustong kunin si Darren Espanto bilang ambassador ng kanyang mga produkto.

Aniya, bilib na bilib siya sa young singer at nasaksihan niya kung gaano karami ang taong pumupunta sa mga show nito.

Dagdag pa ang mga papuring ibinibigay ng mga taong nakakausap niya sa kung gaano kabait na bata si Darren kaya naman kinuha niya ito sa Beautederm.

Si Darren nga ang pinakabunso ng malaking pamilya ng kanyang Beautederm na ang magiging market ay ang mga millennial na tulad niya.

Ayon naman kay Darren nang matanong ukol sa pagiging parte ng pamilya ng Beautederm, “I am so honored now that I am finally part of the Beautederm Family.

“And very grateful po ako sa tiwalang ibinigay sa akin ni Mommy Rhea.

“I love the products of Beautederm and this is a brand that I really use my personal hygiene and grooming. Ngayon masasabi ko na proud Beautederm brand ambassador na ako.”

Dagdag pa ni Rei, ngayon pa lang ay marami ng malls ang nagre-request na pumunta sa kanila si Darren at magkaroon ng mini-concert.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …