Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, bakit ‘di na lang idemanda ang dating bodyguard ni Sarah?

BAKIT hindi idemanda na lang ni Matteo Guidicelli ang dating bodyguard ni Sarah Geronimo dahil sa ginawang pagpapa-blotter niyon sa kanya sa Presinto 7 ng Taguig Police, at pagpapa-interview pa sa radyo tungkol sa sinasabing pananapak niya kung hindi naman talaga totoo iyon kagaya ng kanyang claim?

Ganoon din ang iginigiit ng kanyang manager na si Vic del Rosario, na “wala naman daw sinapak si Matteo.” Pero in the end, sa halip na idemanda ang bodyguard, inareglo pa iyon ng del Rosario ng halagang P200K para matapos na ang usapan, dahil sinasabi nga niyang, “ang naapektuhan ay ang career ni Sarah.”

Wala namang sinasabing ginawa si Sarah kundi mag-iiyak lang nang mag-iiyak sa reception ng kanilang lihim na kasal, pero iyong sinasabing nanapak ng ganoon na lamang ang asawa niya, aba eh may epekto nga iyon. Iyon namang bodyguard, desididong magsampa pa ng demanda kung “hindi makikipagharap si Matteo at hihingi ng dispensa sa kanyang ginawa.”

Wala naman siyang hinihinging pera noong una eh. Ang hinihingi lang niya ay humarap sa kanya si Matteo, aminin ang pagkakamali at ayos na sila. Pero tumangging makipagharap si Matteo. Roon humingi ng danyos na P1.5-M si Tamara, pero naareglo rin naman makalipas ang tatlong araw sa halagang P200K. After all sapak lang naman iyan at sa laki ng katawan ni Tamara, hindi niya iyon iindahin. Mas matindi pa nga iyong umareglo sa kanya ng P200K ang manager ni Matteo, kaysa hinihingi niyang simpleng pakikipagharap sa kanya at personal na paghingi ng dispensa.

Madali namang gawin iyon eh, pero siguro ayaw naman ni Matteo na masabing bumaba siya sa level ng isang bodyguard.

Ngayon naareglo na nila si Tamara. Kaya kaya nilang aregluhin din si Mommy Divine na nagmamatigas na tinraydor siya ng sarili niyang anak at manugang nang biglang magpakasal ang mga iyon nang itinago pa sa kanya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …