Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darren on Cassy Legaspi — We’re really good friends

FRIENDS lang sila ni Cassy Legaspi. Ito ang iginiit kahapon ni Darren Espanto nang ilunsad siya bilang dagdag at pinakabagong ambassador ng Beautederm na ginanap sa Luxent Hotel.

Cassy and I are really good friends,” sambit ni Darren sabay singit ng CEO at presidente ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan ng, “naku ang dami ngang nagta-tag sa akin hindi ko naman maintindihan ang mga batang ito. Sabi nila, ‘tita, tita,’ tag sila nang tag doon sa loveteam nilang CassRen sinasabing, ‘kunin n’yo na rin po si Cassy (ambassador), ‘yun ang sinasabi ng fans nila.”

Sinabi pa ni Darren na hindi naman siya naiinggit sa mga kasabayan o kaedaran niya (18 na siya ngayon) na magkaroon ng first love.

Ani Darren, “marami naman na talaga sa mga kaedad ko na ‘yung may first love and for me it’s not my priority.

“Kung darating, darating ‘yun ng hindi mo pinipilit.

“And hindi mo ine-effort na hanapin. And I guess that’s something na natutuhan ko na rin growing-up.”

Talagang tutok si Darren sa kanyang career kaya hindi rin siya nape-pressure kahit ang mga kaibigan niya ay may lovelife na.

Wala pong pressure and all of us are enjoying our friendship and time together and it’s something that all of us are really focus (career) on at the moment,” esplika pa ni Darren.

Samantala, sobrang tuwang-tuwa si Rhei sa pagkakakuha kay Darren dahil kompleto na ang kanyang ambassador. Si Darren ay para sa pang-millennial.

“Sabi ko nga punagkagastusan ko si Darren obviously, kaya mayroon po tayong grand launch. Gusto ko ang batang ito kasi mabait. At saka marami rin siyang billboard na ilalabas para malaman ng mga millennial na part na si Darren ng Beautederm,” sambit ni Tan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …