Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli Mommy Divine

Mommy Divine, lalong napasama sa pagsasalba ng imahe nina Sarah at Matteo

AGREE ang maraming observers, na sa ginagawang damage control ngayon para maisalba ang image nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil sa kaguluhang naganap noon sa kanilang sikretong kasal na ang magiging “collateral damage” ay ang nanay ni Sarah na si Divine Geronimo. Tiyak na siya ang pagbubuntunan ng sisi para maisalba ang image ng kanyang anak at manugang.

Ang masakit pa ay ang bintang na ang hinahabol daw ni Mommy Divine ay hindi naman ang kanyang anak kundi ang kayamanan niyon. May nagsasabi pang gusto daw ng nanay ni Sarah na ilipat sa pangalan niya ang lahat ng ari-arian ng singer-aktres bago ang kasal, kaya nga raw sinabi niyon na tinraydor siya dahil nagpakasal ang anak bago nailipat sa pangalan niya ang properties. Kawawa rin ang nanay ni Sarah dahil sa mga ganyang bintang.

Kung kagustuhan man ni Mommy Divine na magkaroon nga muna ng pre-nuptial agreement bago ang kasal, hindi naman siya sinabing pabor iyon sa kanya o sino man sa pamilya. Gusto lang siguro niya iyon para mabigyan ng proteksiyon ang mga naipon ng anak. Ginagawa nga raw example ang isa ring aktres na naubos ang kayamanan dahil naging conjugal properties nga lahat nang kinita nang iyon ay mag-asawa, at ang asawa naman walang kakayahang kumita ng ganoon kalaki.

Mayaman naman ang pamilya ni Matteo, pero siyempre iba ang kayamanan ng pamilya kaysa kayamanan mong personal na sa iyo. Roon, lamang na lamang si Sarah na ang estimated networth ay mula P500-M hanggang P3-B.

Hindi kasuwapangan iyon. Gusto lang ng nanay na mabigyan ng tamang proteksiyon ang kanyang anak. Maaari pa rin namang magkatulungan kung talagang kailangan. Wala namang nagbabawal kay Sarah na ilipat iyon para maging conjugal property nila kalaunan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …