Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pa-ms gay ni Klinton Start, riot

KATULAD ng mga naunang birthday celebration ng Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start na ginanap sa Woorijib  Korean Buffet last Feb. 25  na may temang 90’s, naging matagumpay din ang kanyang taunang pa-Ms Gay (Ms Q & A 2020) na sinasalihan ng kanyang mga loyal supporter na nagsimula pa noong 2018.

Itinanghal na Ms Q&A 2020 ang pambato ng Team Taguig na si Bee Bolanos aka Kathryn Bernardo  na tumanggap ng sash, crown, at cash prize at hinirang ding Ms CN Halimuyak 2020.

1st Runner-Up si Jea- Janine Tugonon  na nakuha ang Best in Long Gown, habang 2nd Runner-Up naman si Tin- Maria Sophia Love na nakuha naman ang ang Best In Casual Wear na parehong tumanggap ng sash at cash.

Ilan naman sa nakakuha ng special award at tumanggap din ng cash at sash sina Rodeo- Maxine Medina (Best in Talent) at Ashley- Gazini Ganados (Best in Sports wear).

Dumalo at nakisaya ang ilan sa mga kaibigan at katrabaho  ni showbiz tulad nina Tom Simbulan, Tin Feliciano and family, Patrick and Family, Cloe and family, Hanz and Prince of UPGRADE and family, SMAC fam headed by Reks Jamora, press people (Rommel Placente na nagsilbing host with Brgy LSFM DJ Janna Chu Chu, Mildred Bacud with JM, Abante Tonite editor Roldan Castro, PSR editor Josh Mercado, Rodel Fernando and Nonie Nicasio).

Present  din ang CEO-President ng CN Halimuyak na si Nilda Tuazon kasama ang kanyang mga kapatid. Dumating din ang mga kaklase nito at ilan sa kanyang mga  kamag-anak.

Wish ni Klinton sa ang magkaroon ng malakas na pangangatawan maging ng kanyang pamilya at more projects ngayong 2020.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …