Saturday , November 23 2024
MASAYANG ipinakikita ni Chairman Eduardo Dabu ang kanyang pet project na air-conditioned Daycare Center para sa 70 pre-schoolers, pawang anak ng kanilang constituents at pinamamahalaan ni teacher Emelita Datu. (Kuha ni BONG SON)

Edukasyon, kalusugan, kapayapaan at kaayusan para sa Barangay 15, Zone 2, Tondo, Maynila (Prayoridad ni Ch. Eduardo Dabu)

BARANGAY ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan na umuugit ng mga batas sa isang komunidad na binubuo ng maraming pinakamaliit na yunit ng lipunan — ang pamilya.

Kaya para sa isang barangay chairman na gaya ni Che Eduardo Dabu, ang pamumuno sa isang barangay ay nangangahulugan na pamumuno at pangangalaga sa maraming pamilya na bumubuo sa komunidad na kanyang nasasakupan.

Si Chairman Dabu ang Punong Barangay ng Barangay 15, Zone 2, na nag-uumpisa sa kanto ng Delpan at  Zaragoza streets, hanggangs a Kagitingan St., Tondo, Maynila.

Maliit ang barangay na nasasakop ni Chairman kung bilang ng rehistradong botante at residente ang pag-uusapan. Gayonman, sa usapin ng komersiyo, ang mga kalyeng Delpan at Zaragoza ay kilalang abala sa araw-araw dahil malapit ito sa Manila International Container Terminal (MICT), sa bagsakan ng mga prutas at gulay na itinitinda sa Divisoria, daanan din ng mga sasakyang naghahatid ng isda sa iba’t ibang palengke sa Maynila mula sa mga consignacion sa mga lungsod ng Navotas at Malabon.

Bukod pa iyan sa nagyayaot na mga pampasaherong sasakyan, mga delivery van patungo sa mga warehouse sa kalapit na barangay, at iba pang uri ng negosyo sa nasabing barangay, mula sa maliliit na tindahan, karinderia, at iba pa.

Sabi nga, hindi natutulog ang gabi sa Delpan at Zaragoza dahil sa katangian ng kanilang lugar na isang commercial area.

Sa kabila ng kakaibang katangian ng barangay na  pinamumunuan  ni Chairman Dabu, nanatili sa kanyang  isipan  na  kailangan niyang tugunan ang kanyang constituents lalo ang mga nangangailangan.

Masasabing komersiyal ang katangian ng kanilang lugar ngunit isa sila sa mga barangay na mayroong maliit na bahagi sa Internal Revenue Allotment (IRA).

Sa kabila nito, pinagsisikapan ni Chairman Dabu na maiangat ang kalagayan ng kanyang constituents lalo sa aspektong edukasyon, kalusugan, at kapayapaan at kaayusan.

Barangay 15 Daycare Center

Isa sa mga pangunahing proyekto ni Chairman Dabu ang Daycare Center para sa pre-schoolers na mga anak ng kanyang constituents.

Hindi lingid sa lahat na napakamahal ng tuition fee ngayon sa private schools, habang limitado ang bilang ng pre-school enrolees sa mga pampublikong paaralan.

Kaya para sa isang barangay chairman, malaking accomplishment kung makapaglalaan siya ng daycare center sa mga bata.

Ang pre-school ng Barangay 15 ay mayroong 70 pre-school students at mayroong dalawang session sa umaga na tig-tatlong oras ang klase.

Pangunahing namamahala at nagtuturo sa nasabing Daycare si teacher Emelita L. Datu mula sa Manila Department of Social Welfare (MDSW), kasama ang isang teacher’s aide.

Ang nasabing daycare center ay nasa ground floor ng gusaling ipinatayo ni Chairman Dabu mula sa kanyang sariling bulsa at ambag ng ilang kaibigan. At nasa ikalawang palapag naman nito ang session hall ng Konseho ng Barangay.

Dahil isang engineer at may karanasan sa konstruksiyon, paunti-unti ay naitayo ni Chairman Dabu ang tatlong-palapag na gusali.

Sa ikatlong palapag ay naroon naman ang tanggapan para sa mga kababaihang biktima ng violence against women and their children  (VAWC). Nagsisilbi itong konsultahan at recreation center para sa mga nasabing kababaihan at kabataan.

Sa kasalukuyan, si Chairman Dabu ay nasa ikatlong termino na ng kanyang panunungkulan mula noong 2010.

Bukod sa edukasyon, nakatuon din ang kanyang pamunuan sa peace and order at iba pang mga programa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Aniya, mahalaga ang pakikipagtulungan ng pamahalaang barangay sa pamahalaang lungsod para sa ibayong pagsusulong ng mga  programang makatutulong sa mga mamamayan.

(Sa susunod,  Peace  & Order sa Barangay 15)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *