Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Matteo, sinabihan si Mommy Divine ng ‘baliw iyan, baliw iyan’; Ama ni Sarah, hinamon pa ng suntukan

TAHIMIK na sana ang lahat, pero nang lumabas daw na parang nagsisinungaling pa siya, nagpasyang magsalita si Jerry Tamara, bodyguard ni Sarah Geronimo, at magsasampa rin ng demanda laban kay Matteo Guidicelli na sinasabi niyang sumapak sa kanya, nang pakiusapan niya si Sarah na kausapin muna si Mommy Divine bago tuluyang umalis kasama ng kanyang asawa.

Sinabihan daw siya ni Matteo na, “huwag kang makialam dito, asawa ko si Sarah.” At nang hingin daw niya kay Sarah sa ikalawang pagkakataon na kausapin muna ang ina, roon siya nasapak si Matteo.

Aminado naman siya na nagpa-blotter siya, kumuha rin siya ng report sa medico legal, pero noong una wala sana siyang planong magdemanda, “dahil mababait naman ang mga amo ko.” At naisip niyang dala lamang iyon ng init ng ulo. Pero noon ngang sinabing hindi naman siya sinapak, doon niya inilabas ang totoo. Nagbigay ng detalye si Tamara ng kanilang pinuntahan noong araw na iyon, bagama’t sinasabi niyang wala siyang nasaksihang kasal, makikita mo na ang kasal ay naganap nga sa second floor ng Victory Christian Fellowship Church na naka-lock noon, at reception lamang ang ginanap sa Ministry of Crab sa Shangrila BGC, na naganap naman ang kaguluhan.

Sinabi ni Tamara na nagkapalitan ng hindi magagandang salita, at sinabi pa ni Matteo na, “baliw iyan, baliw iyan” kay Mommy Divine na sinagot naman niyang ‘huwag naman po ganoon dahil mommy siya ni Ma’am Sarah.’ Sinabi rin niya na habang nag-uusap sina Sarah at Mommy Divine roo sa isang kuwarto, nagbalik pa si Matteo at hinahanap naman ang tatay ni Sarah na alam niyang tinawagan ni Mommy Divine na magpunta roon, at sinabi raw sa kanya, ”pagdating niya sabihin mo magsuntukan na lang kami.” Siguro nga talagang mainit na mainit na ang ulo ni Matteo noong mga oras na iyon.

Tama naman ang sinasabi ng iba, magkakasundo-sundo rin iyan, pero kung ganyan nga kalaki ang gap, palagay namin matatagalan ang pagkakasundo ng kanilang mga pamilya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …