Monday , December 23 2024
Duterte money ABS CBN

Digong ‘di interesado sa ‘franchise hearing’ Sa Senado

WALANG interes si Pangulong Rodrigo Duterte na panoorin at subaybayan ang gaga­wing pagdinig ng Senado ngayon kaugnay sa prankisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Presidential Spokesman Rodrigo Panelo na abala si Pangulong Duterte sa tambak na trabaho kaya walang oras na manood ng telebisyon.

Hindi aniya pinaki­kialaman ng Pangulo ang pagganap sa kanyang tungkulin ng solicitor general.

Naghain ng quo warranto si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang prankisa ng ABS CBN.

Ayon kay Panelo, hindi rin panghihima­sukan ng Pangulo ang bawat galaw ng Kamara, Senado at iba pang mga representante.

Matatandaang maka­ilang beses nang nag­hayag ng galit si Pangu­long Duterte sa ABS CBN nang hindi isahimpa­pawid ang kanyang campaign material noong 2016 presidential election kahit bayad na ang airtime.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *