Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naglalakihang artista, pumirma pa rin ng kontrata sa ABS-CBN (tiwalang ‘di magsasara ang network)

MUKHA ngang dahil sa pagtitiwala na ano man ang gawin ay hindi maaaring masara ang ABS-CBN, talagang pumirmang muli ng kontrata sa kanila ang maraming mga star. Kabilang sa mga muling pumirma ng exclusive contract sa Kapamilya Network ay sina Karla Estrada, Ogie Alcasid, at Donny Pangilinan. Nauna riyan muling pumirma ng kontrata para sa network si KC Concepcion. Iyong mga malalaking artista, aba eh matitinik din ang advisers niyan. Kung sa tingin nila tagilid ang network hindi sila pipirma ng kontrata riyan.

Hindi ba iyon nga ang ibinubutas ng ibang mga kritiko ni Angel Locsin, dahil panay na panay daw ang pagpabor sa network pero hindi pumirma ng bagong kontrata. Pero sinabi naman ni Angel na ang dahilan ay dahil naghahanda siya para sa kanyang pagpapakasal. Natural pagkatapos ng kasal hindi niya alam kung magbubuntis siya agad, paano nga naman ang mangyayari kung may kontrata siya?

At mapapansin din na ang mga star nila, lahat ay buo ang tiwala na magpapatuloy ang kanilang career at hindi nga iniinda ang controversies na may kaugnayan sa kanilang franchise.

Aba eh bakit naman sila kakabahan, bukod sa sinasabing marami naman ang mas pabor na magpatuloy ang broadcast ng ABS-CBN, ang dami nilang hawak na platforms na siguradong may magagawa ang kanilang mga artista. Sila rin ang sinasabing may mga modernong equipment at makagagawa sila ng program content na tiyak pag-aagawan ng ibang mga network kung mapuputol nga ang kanilang broadcast sa free tv.

Bukod doon, naroroon nga ang paniniwala na hindi magtatagal, baka maging obsolete na rin ang free tv dahil nga sa mga pagbabagong teknikal na mangyayari sa loob ng mga dalawa o tatlong taon pa.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …