NAPAG-USAPAN na rin iyang “technical,” marami raw po ang natatakot na mabasura pati na ang kanilang ABS-CBN TV Plus kung mawawala na ang franchise ng network. Hindi naman po mangyayari iyon. Ang kinukuwestiyon lang sa TV Plus ay iyong kanilang pay per view. Iyong free tv broadcast na nasasagap ng TV Plus ay walang problema.
Iyang TV Plus na iyan ay isang digital receiver box lamang. Tinatanggap lamang niyan ang digital signals para mapanood ninyo sa inyong analog na television sets. Hindi lang iyan ang digital receiver. Kami mismo ang ginagamit namin ay ibang brand na nabili namin sa halagang P800 lamang. Hindi rin kami gumagamit ng kanilang digital adaptor para sa cell phone, ang ginagamit namin ay iyong TV dongle na nabibili nang P500 lamang at pareho rin naman ang epekto.
Totoo, ang ginagamit namin at ang iba pang mabibili ninyo nang mura ay “made in China.” Eh ano ba ang kaibahan, iyan namang TV Plus ay made in China rin?
HATAWAN
ni Ed de Leon