Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Duterte Espenido

Espenido kabadong itutumba ng gov’t forces

MAAARING may mga sariling dahilan si P/Lt. Col. Jovie Espenido sa kanyang pangambang baka itumba siya ng gobyerno o ng mga pulis.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa sinabi ni Espenido na walang ibang magpapapatay sa kanya kundi ang gobyerno o mga pulis.

“There will be no other entity that would kill me. It would be the govern­ment, the police,” ani Espenido sa isang pana­yam sa kanya kama­kailan.

Para kay Panelo, hindi mapipigilan ng Palasyo ang naturang pangamba ni Espenido dahil posibleng may sariling mga dahilan ang police colonel.

“If that is Col. Espenido’s fear, we cannot stop him such apprehension. He must have some reasons,” sabi ni Panelo.

Hindi aniya papaya­gan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapahamak ang sinoman labas sa itinatadhana ng batas.

“PRRD will not allow any harm to anyone outside of legal processes and methods sanctioned by law,” aniya.

Matatandaan, inila­gay sa floating status ng PNP si Espenido mata­pos mapasama ang kanyang pangalan bilang high value target sa narco list ng gobyerno.

Si Espendio ang nangu­na sa operasyon ng pulisya laban kina dating Albuera Mayor Rolando Espinosa at mga Paro­jinog ng Ozamis City sa kasagsagan ng drug war ng administrasyong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …