Thursday , May 8 2025

Palasyo tahimik sa ‘shopping spree’ ni Dennis Uy

TIKOM ang bibig ng Pala­syo sa ulat na humihingi ng state guarantee ang negosyanteng kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang bilyon-bilyong pisong uutangin sa mga banko para higit na palawakin ang mga negosyo.

“Hindi ko yata… ngayon ko lang narinig iyan… I don’t know about that. Kausap ko lang siya the other night. At sabi ko sa kanya, o you are in the interviews na naman. Marami ka daw utang sa gobyerno,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa pag-uusap nila ni Dennis Uy, ang sinasabing ‘crony’ ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Panelo na ayon kay Uy, ang mga report hinggil sa kanyang “shopping spree” sa ibang malalaking kom­panya mula 2017 hang­gang 2019 gamit ang bilyones na inutang sa mga banko ay resulta ng ‘inggit’ sa kanya ng ibang tao.

“Sinisiraan lang ako ng mga naiinggit,” sabi  ni Uy kay Panelo.

Naniniwala si Panelo na kaya pinauutang si Uy ng mga banko ay dahil tiwala sa kakayahan ng presidential crony na magbayad.

“E totoo naman nangu­ngutang siya. Mayroon akong nabasa na several banks nangu­ngutang siya. Lahat naman iyan utang. In other word babayaran din niya. Iyon ‘yung mga ginamit niya para mamili ng… mga companies na pina-o-operate niya noon. Apparently, the banks trust him. Otherwise hindi magpapautang ang mga iyan,” ani Panelo.

Kamakalawa, nag­banta ang Makabayan bloc na kakasuhan ang Philippine Guarantee Corporation (PhilGuarantee) kapag ipinagkaloob ang sovereign gurantee na hirit ni Uy para sa mga utang niya sa iba’t ibang banko.

Sa oras na pagbigyan ng gobyerno ang aplika­syon ni Uy ay magkaka­roon ng mandato ang PhilGuarantee na bayaran ang 90% ng loan amount kung magkaroon ng default o hindi maka­bayad si Uy.

Hinamon din ng Makabayan bloc  ang PhilGuarantee na ilabas ang listahan ng mga negosyong binigyan ng guarantee sa ilalim ng administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

(R. NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *