Monday , December 23 2024

‘Pastillas’ sa Immigration ipinabubusisi ng Pangulo

IPINASISIYASAT ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nabulgar na ‘pastillas’ sa Bureau of Immigration (BI).

Sa panayam kagabi kay Sen. Christopher “Bing” Go, sinabi niya na ipakakain ni Pangulong Duterte sa Immigration personnel o opisyal ang perang nakaba­lot sa pastillas wrapper kapag napatunayang sangkot sa katiwalian at nagpapapasok ng mga illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) workers sa bansa.

Sa nasabing anomalya, nagbabayad umano ang POGO workers na nag­pa­panggap na Chinese tourists ng hanggang P10,000 sa Immigration personnel at nabibigyan pa ng “red carpet welcome” pagdating sa bansa.

Sinabi ni Go, nakausap na rin niya si Immigration Deputy Commissioner Tobias Javier at nagsabing iimbestigahan ang nasabing anomalya.

Tiniyak ni Go, hindi palalampasin ni Pangulong Duterte kung mapapa­tuna­yang totoo ang nasabing anomalya at pananagutin ang sangkot na taga-Immigration.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *