Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

New Regal baby na si Sarah Edwards, type si Alden

ANG Asia’s Multi Media Star ang gustong makatrabaho among male celebrity sa bansa ng newest Regal Baby na si  Sarah Edwards, isa sa bida ng Us Again na pinagbibidahan nina Jane Oineza at RK Bagatsing.

Kuwento ni Sarah, nagkasama sila ni Alden sa isang event at nang makita niya ang aktor ay na-starstruck siya sa kaguwapuhan at kabaitan nito.

Kahit nga sobrang sikat ng Kapuso star ay napaka-humble at gentleman  nito, kaya naman ang tulad ni Alden ang masarap na katrabaho.

Nagpapasalamat si Sarah kay Mother Lily at Roselle Monteverde dahil kinuha siya para maging Regal Baby at isinama pa sa pelikulang Us Again na maganda ang role na ginagampanan niya bilang girlfriend ni RK.

Ito nga ang kauna-unahang pelikulang ginawa ni Sarah, dahil puro hosting lang noon ang ginagawa niya bago pinasok ang pag-arte.

Bukod kina Jane, Sarah, at RK, kasama rin sina Bida­man Jin Macapagal at Bidaman Mico Gallardo, mula sa direksiyon ni Joy A. Aquino at mapapanood sa mga sinehan nationwide sa  February 26.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …