Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marcelito, kampeon pa rin sa mga Pinoy (kahit ‘di pinalad sa AGT Finals)

DAHIL sa announcement na noong February 10 (sa US) ipalalabas ang grand finals ng America’s Got Talent: The Champions (AGT), akala ng madla, pati na ang mga Kano, malalaman na kung sino ang kampeon.

Siyempre pa ang interes nating mga Pinoy ay kung nagwagi ba ang ating pambato, ang dating tagapag-alaga ng mga manok noong kabataan niya, si Marcelito “Mars” Pomoy.

Totoo namang ipinalabas noong February 10 sa Amerika sa NBC network ang grand finals—pero hanggang sa performances lang pala ng mga finalist ang ipinalabas.

Sa February 17 pa sa US itatanghal ang pag-a-announce ng mga nagwagi. Dagdag na kita pa nga naman para sa AGT producers at sa network ang dagdag na telecast.

Naka-post na sa You Tube ang final performance ni Mars at ang reaksiyon sa kanya ng apat na hurado. ‘Pag pinanood n’yo ‘yon, madidiskubre n’yong nag-standing ovation ang tatlo sa apat na hurado sa pag-awit ni Mars ng Beauty and the Beast sa dalawa n’yang tinig na lalaki at babae.

Ang nag-iisang judge na ‘di tumayo ay si Simon Cowell na siya pa namang lead judge (punong hurado) at sinabihan pa si Mars na dapat ay mas mahirap at mas challenging na kanta ang inawit n’ya.

Hindi sumagot si Mars, pero pagkatapos maipalabas ‘yon ay ininterbyu siya ng ABS-CBN News tungkol sa reaksyon n’ya sa mga sinabi ni Simon. (January 2020 ay nasa Pilipinas na si Mars. Noong Disyembre 2019 ini-record ang buong Champions season na ‘yon ng AGT.)

Sa panayam na ‘yon ibinuko ni Mars na si Cowell mismo ang nagsabi sa kanya na Beauty and the Beast ang kantahin n’ya.

Dahil alam naman ni Mars na napaka-influential ni Simon bilang producer, founder, at lead judge ng show, ‘di siya makatanggi.

Gaya nang naiulat na namin noong nakaraang isyu ng kolum na ito, Disyembre 2019 pa lang ay alam na ni Mars ang naging kapalaran n’ya sa paligsahang iyon, pero di n’ya pwedeng ipagtapat hanggang ‘di pa naipapalabas—February 17—sa Amerika ang episode na ininunsiyo ang final winners.

Ano man ang naging kapalaran sa higanteng paligsahan ng kababayan nating dating poultry boy, siguradong ipinagmamalaki natin ang husay n’yang umawit, ang lakas ng loob, at katatagan n’ya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …