Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian, ayaw ng ginugutom

NAGKAROON pala ng pagkakataong na-solo nina Kim Chiu at Xian Lim ang mundo as in, nakapagliwaliw sila sa ibang bansa kahit may ilang kasama. Na-enjoy nila ang pagbabakasyon sa ibang bansa.

Sa panayam sa dalawa ay inamin nilang sobra silang nag-enjoy sa kanilang pagbakasyon at dito nila nalaman na maraming mga lugar na gusto pa nila madiskubre.

Malaking tulong ayon kay Kim ang kanilang pagpunta sa ibang bansa kasi rito niya nadiskubre ang kakaibang pag-uugali ni Xian. Mainipin  ito at madaling mag-init ang ulo.

Naikuwento ng binata na minsan siyang ginutom ni Kim kaya naman nakita ng aktres kung paanong tubuan ng sungay ang actor. Meaning, nagalit ito dahil ayaw nitong ginugutom siya.

Aminado naman si Xian na kasama sa pakikipag­relasyon ang away ng magsyota. Kung siya ang masusunod ay dapat tanggalin ang samaan ng loob sa isang relasyon, gustuhin man nila o hindi kahit anong pagkakaiba sa pag-uugali ng magkasintahan.

Kaya naman, kung magkaroon ng samaan ng loob ang dalawa ay kaagad nilang inaayos. As in, pinag-uusapan nila ito ng masinsinan.

Ayon sa aktor, dapat na huwag patagalin ang hindi pagkikibuan kasi naniniwala siya na hindi ito nakatutulong sa magandang takbo ng relasyon.

Ito ang pormula na ginagamit ng dalawa kaya tumatagal ang kanilang pagsasama.

Idinagdag pa ng aktor na kailangan din ang tiwala sa bawat isa at kung may problema man, dapat kayong dalawa ang gagawa ng paraan.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …