IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang pasya na isama ang Taiwan sa mga bansang ipinatutupad ang temporary travel ban.
“The temporary travel ban to and from Taiwan and the Philippines was the decision of the majority members of the Task Force. The health of the Filipino people is our outmost concern,” ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
Nais aniya ng pamahalaan na matiyak na walang makapapasok sa Filipinas na mga biyaherong mula sa China.
“We want to ensure that travellers, regardless of nationality, coming from or have been recently to China do not enter Philippines. We understand your sentiments, but this measure is necessary and only temporary until the virus is contained,” ani Medialdea.
Iminungkahi niya sa Manila Economic Cooperation Office (MECO) na magsumite nang umiiral na protocols sa Taiwan sa pag-i-screen sa mga biyaherong mula sa mainland China at sa Special Administrative Regions upang mapag-aralan ng administrasyong Duterte.
ni ROSE NOVENARIO
OWWA
MAKIKIPAG-USAP
SA TAIWANESE
EMPLOYERS
NAKATAKDANG makipag-ugnayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga employer ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Taiwan na kabilang sa mga “stranded” dahil sa ipinatutupad na travel ban ng pamahalaan kaugnay ng banta ng corona virus disease o COVID-19.
Ayon kay OWWA administrator Hans Leo Cacdac, tutulong ang Labor office na makipag-ugnayan sa mga employer ng Pinoy workers sa Taiwan para maunawaan ang situwasyon kaugnay sa travel ban.
Pag-aaralan ng OWWA ang financial assistance para sa OFWs sa Taiwan na hindi pa nakababalik sa kanilang trabaho.
Ayon kay Cacdac, sa kasalukuyan ay inaayudahan ng gobyerno ang mga OFW mula China, Hong Kong, at Macau na apektado ng travel ban, na ngayon ay kabilang ang Taiwan dahil sa COVID-19.
Umapela si Cacdac sa publiko na huwag munang mag-isip ng senaryo dahil makikipag-usap ang gobyerno sa Taiwan authorities kaugnay sa situwasyon ng OFWs na hindi na nakabalik sa kanilang employer dahil sa travel ban.
(JAJA GARCIA)