Monday , December 23 2024

Presencia militar iniutos ni Duterte

MAGIGING pang-araw-araw na kaganapan sa bansa ang military at police silent drill.

Ito’y bunsod ng direk­tiba kahapon ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na maglunsad ng silent drill araw-araw gaya ng ginagawa ng People’s Liberation Army ng China.

Ayon sa Pangulo, layunin niyang maram­daman ng mga mama­mayan na ligtas sila kaya isinusulong niya ang daily silent drill ng pulisya’t militar.

“I want the people to see soldiers and police­men doing the drill every day,” aniya sa PSG change of command ceremony sa Malacañang Park kahapon.

“It might really be a copycat but you’ve been to China and you’ve seen the drill that the military shows off to the people every day. It gives our people a sense of security and proud to see the uniformity in the cadence when military drills do it,” dagdag niya.

Nag-alok ang Pangu­lo ng hanggang P3 mil­yong premyo para sa magwawagi sa silent drill competition sa Disyem­bre.

Matatandaan, sa isinagwang 1st silent drill noong nakalipas na Disyebre 2019 na inilun­sad ng Presidential Security Group ay nagwagi ang Philippine Military Academy at ang premyo nila’y P300,000.

Layunin ng naturang silent drill competition na suportahan ang pagsu­sumikap ni Pangulong Duterte na ibalik ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *