Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Koreano galing sa casino hinoldap saka pinagbabaril

ISA sa sinisilip na moti­bo ng Pasay City Police ang pang­hoholdap sa nangyaring pamamaril sa isang driver na may sakay na dalawang Korean national mula sa casino nang harangin ng mga hindi kilalang suspek ang sinasakyang Starex Van ng mga biktima sa Pasay City, nitong Sabado.

Patuloy na inoob­serbahan sa San Juan de Dios Hospital ang driver na si Resty Cervantes Jr., 24 anyos, may asawa, ng 261 Biga II, Silang Cavite, sanhi ng  tama ng bala sa balikat at bunganga.

Sa isinumiteng pro­gress report sa Southern Police District (SPD) ng Pasay City Police, nangyari ang pamamaril sa panulukan ng EDSA northbound at Roxas Boulevard flyover, Bgy. 76 sa nasabing siyudad, dakong 3:10 am.

Base sa ulat, sinundo ni Cervantes sakay ng puting Hyundai Starex van, may plakang NBZ 8969, ang dalawang Korean national na hindi binanggit ang mga pa­nga­lan mula sa Okada Casino and Hotel sa Parañaque City.

Pagdating ng sina­sak­yang van ng mga biktima sa lugar, biglang humarang sa kanilang daraanan ang isang pulang Toyota Vios, sakay ang mga armadong suspek.

Nagbabaan sa kotse ang mga suspek, agad binaril ang driver na si Cervantes saka binasag ng martilyo ang salamin ng Starex van at sapili­tang tinangay ang dala­wang bag na naglalaman ng mahahalagang gamit ng mga Koreano at ang susi ng sasakyan ng mga biktima.

Agad tumakas ang mga suspek sakay ng nasabing kotse patungo sa direksiyon ng Gil Puyat Avenue.

Dinala ng Pasay Rescue Team si Cervan­tes sa nasabing paga­mutan upang mala­patan ng lunas.

Patuloy ang isina­sagawang follow-up operation ng mga pulis sa naturang insidente.

 (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …