Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cold treatment ng mag-inang Sharon at KC sa isa’t isa, ‘di na maitago

HINDI na nga maikakaila ang “cold treatment” ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, na nagsimula nang hindi sumipot ang anak ng megastar sa isang birthday tribute na ginawa para sa kanya. Hindi lamang siya naglabas ng sama ng loob, noong isang araw pinaka-puri-puri ni Sharon ang dalawang anak niyang babae sa kanyang asawang si Kiko Pangilinan, at sinabing ang dalawang anak niya ay mahal na mahal niya dahil marunong silang magpahalaga sa kanilang mga magulang.

Hindi binanggit ni Sharon si KC, na nauna riyan sinabi niyang humiwalay na nga ng tirahan sa kanila, at ni hindi rin sumipot sa ilang gatherings ng kanilang pamilya.

Sa kabilang banda naman, sinabi ni Gabby Concepcion na mahal na mahal niya ang kanyang anak na si KC at sinabihan pa niya iyong “lagi lang akong nasa likod mo.”

Pareho pa sila ni KC na nag-post ng pictures sa kanilang social media accounts ng isang private dinner na masayang-masaya silang dalawa.

Pero ang tanong nga namin, eh ano ba ang issue kung sabihin man ni Sharon na mas mahal niya ang kanyang mga anak kay Kiko Pangilinan kaysa kay KC?

Ano rin naman ang issue kung nakikipag-bonding man at mukhang mas gustong mapalapit ngayon ni KC sa tatay niyang si Gabby? Baka naman may gusto lang siyang mabago dahil sa buong panahon ng kanyang kabataan, hindi niya nakasama ang tatay niya. Mukhang ang dalawa ay “making up for lost time” eh ano naman ang masama kung nagkakasundo ang mag-tatay?

Natural lang sa isang pamilya iyong nagkakasamaan ng loob. Natural din naman na may mga mas nagiging close naman. Eh ano ang issue roon?

HATAWAN
ni Ed de Leon  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …