Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine Reyes, mas baliw kay Xian kapag nagmahal

KUWENTO ng mag-asawang nagmamahalan pero nagagawang saktan ang isa’t isa ang ginagampanang character nina Cristine Reyes at Xian Lim sa pelikulang Untrue ng Viva Films at IdeaFirst Company at mapapanood na sa mga sinehan nationwide sa February 19.

At sa mediacon ng Untrue ay natanong sina Cristine at Xian sa kung sino ba ang mas baliw sa kanila base sa character nilang ginagampanan sa Untrue.

Ayon kay Cristine, ”Siguro kung ang pag-uusapan ay role, pareho silang baliw na umibig kasi feeling ko kapag umibig nababaliw, hindi puwedeng umibig na hindi ka nababaliw.”

Tsika naman ni Xian, “Sa role, I completely agree na pareho na lahat naman kapag umibig baliw.

“Pero I think sa totoong buhay, parang si Cristine ‘yun (mas baliw). Ha-hahaha!.”

Dagdag pa ni Xian, “Sa totoong buhay at sa sobrang pagkabaliw ni Cristine mayroon kaming mahabang eksena tapos acting-action tapos medyo naguluhan lang ako sa eksena namin sa park. Sabi niya sa akin, ‘Ano ba, ayusin mo!’ Kaya sabi ko, ‘Ha? Cristine saan nanggaling ‘yun?

“Pagkatapos (ng eksena), sabi niya ‘tapos na, okay let’s go!

“Dalawang karakter itong si Cristine kaya I think siya, from intense to nice, ang hirap timplahin.”

Bonus pa rito at mapapanood ang ilan sa magagandang lugar sa Georgia na kinunan ang mga eksena nina Cristine at Xian . Mapapanood ang Untrue sa Peb. 19 produced by Viva Films and line produced ng IdeaFirst Company. Directed by Sigrid Bernardo.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …