Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darren, ilalapit ang Beautederm sa Gen. Z!

DAGDAG sa lumalaking pamilya ng Beautederm si Darren Espanto na ikinatuwa ng mga loyal supporter ng magaling na singer nang mag-post sa kanyang Facebook ang CEO/President nitong si  Rei Anicoche Tan ng “D total Performer Darren Espanto joins our Beautéderm Fam.

“Nadagdagan mga anak ko. Welcome nak! Darren Espanto #BeautédermAmbassador.”

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni Darren sa Beautederm kaya naman sa mga susunod na event nito’y makakasama na siya.

Si Darren nga ang youngest ambassador ng Beautederm ayon kay Ms Rei, na hanga sa husay ni Darren kumanta at sumayaw na puwedeng sumunod sa yapak ng Total Performer na si Gary Valenciano.

Malaki ang paniniwala ni Ms Rei na malaki ang naitutulong ni Darren na makilala ng mga kabataan ng makabagong panahon o Gen. Z na katulad nito ang Beautederm.

Lalo na’t malaki ang fan base ni Darren  ‘di lang sa bansa kung hindi maging sa ibang bansa na talaga namang sumusugod sa mga event na may performance si Darren at bumibili ng kanyang mga ineendosong produkto.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …