Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, laging may baong panggulat

Samantala, hindi totoo na habang ginagawa niya ang Love You Two series nila ni Gabby Concepcion last year ay alam na ni Jennylyn na siya ang gaganap bilang Dra. Maxine dela Cruz o Beauty sa DOTS.

“Wala po talaga akong alam. Totoo po ‘yun, wala po talaga akong alam.”

Ang hudyat na alam na niya na siya nga si Beauty ay noong nagbago siya ng hairstyle.

“Noong nagpa-bangs na ako, alam na,” at tumawa si Jennylyn.

Aminado si Jennylyn na bago pa siya mapili ay wini-wish niya na sana ay siya ang mapili para sa DOTS.

Siyempre naman! I’m sure hindi lang ako, kasi magandang project talaga ‘yan.

“Well, hindi ko siya talaga.. hindi ako fan ng K-Drama pero  ang daming nagsasabi na, ‘Uy ang ganda ng ‘Descendants Of The Sun!’

“Sabi ko, ‘Ah… talaga?’

“Ganoon ako. So noong finally nalaman ko na ako na, ayun, kailangan ko siyang panoorin, inaral ko ‘yung character and sa  totoo lang, maganda po talaga. Nain-love ako roon sa series na ‘yun.”

Kahit hindi sila nagkaroon ni Dingdong ng pagkakataon na mag-workshop, hindi na sila nahirapang magkaroon agad ng rapport at chemistry dahil nagkasama na naman sila sa mga show ng GMA, most recent sa season 7 ng StarStruck na pareho silang hosts.

“So iyon nagkaroon ako ng chance na kahit paano nagkukuwentuhan bilang pareho kaming mga magulang, ‘di ba? Mayroon kaming pag-uusapan, kamusta na si Zia, kamusta na si Jazz?”

Anak nina Dingdong at Marian Rivera si Zia at anak naman ni Jennylyn si Alex Jazz.

So iyon, ganoon. ‘Yung mga ganoong topic.

“At saka kaibigan ko rin si Yan.”

Speaking of Marian, silang dalawa ang nanguna sa “guessing game” kung sino ang lead female star ng DOTS. Napag-usapan ba nila iyon ni Marian?

Hindi po. Actually minessage  niya ako, kinongrats niya ako, ‘Congrats, Jen!’

“Ganoon. So iyon happy naman ako na happy siya.”

Ayon sa direktor nilang si Dominic Zapata, palaging maraming “baon” si Jennylyn; meaning baon na panggulat na acting.

Kasi hindi ko ginagawa sa rehearsal. Kapag ano nagte-take, tapos ‘pag take 2 iba na naman ulit. Para lang masaya,” at tumawa si Jennylyn.

Pangalawang K-Drama na ni Jennylyn ang DOTS; una ay ang My Love From The Star noong 2017.

Ano ang kaibahan ng atake ni Jennylyn sa role niya noon sa MLFTS at ngayon sa Descendants Of The Sun?

Ah, magkaibang-magkaiba po ‘yung character. Bakla ako roon sa isa, tapos dito  seryoso naman.”

Ang iba pang bumubuo ng cast ng Descendants Of The Sun ay ang military team na sina Antonio Aquitania (bilang Lt. Col. Bienvenido Garcia); Ricardo Cepeda (bilang Lt. Gen. Carlos Defensor); at sina Paul Salas (bilang Marty Talledo); Lucho Ayala (bilang Staff Sergeant Alen Eugenio/Snoopy); Jon Lucas (bilang Staff Sergeant Benjo Tamayo/Harry Potter); at Prince Clemente (bilang Sergeant First Class Randy Katipunan/Picollo).

Ang medical team naman ay binubuo nina Pacho Magno (bilang Dr. Daniel Spencer); Renz Fernandez (bilang Dr. Earl Jimeno); Chariz Solomon (bilang Nurse Emma Perez); Andre Paras (bilang Dr. Ralph Vergara);  Nicole Donesa (bilang Nurse Via Catindig); Reese Tuazon (bilang Dr. Sandra Delgado); Jenzel Angeles (bilang Nurse Hazel Flores) at Bobby Andrews (bilang Dr. Eric Feliciano).

Gaganap naman bilang rebelde sina Neil Ryan Sese bilang Rodel dela Cruz; Rich Asuncion bilang Janet Pagsisihan, at Carlo Gonzalez bilang Val.

Ang pamilya naman ni Captain Lucas ay sina Roi Vinzon (bilang Sgt. Major Abraham Manalo) at Hailey Mendes (bilang Judith Manalo); ina naman ni Dr. Maxine si Marina Benipayo (bilang Olivia dela Cruz).

Mapapanood ito pagkatapos ng Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …