Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
abs cbn

ABS-CBN, mapapanood pa rin

KUNG sakali at hindi umabot hanggang sa katapusan ng sesyon ng kasalukuyang kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN, ang mawawala lang naman sa kanila ay iyong kanilang broadcast frequency. Pero maaari silang manatili sa ibang media platforms, gaya ng internet, cable, at kung ano-ano pa. Aminin naman natin malaking porsiyento na ng mga taga-urban areas ang nakakabit sa cable, at dito sa Metro Manila, may monopolyo naman sila sa cable, dahil maliban sa Cignal, wala nang kalaban ang kanilang Sky Cable.

Mapapansin din naman ninyo, napakaraming mga artista ang pinapipirma nila ng kontrata. Mukha ngang may monopolyo na rin sila ng mga big star. Kasi kung mawala man ang kanilang franchise, maaari silang magpatuloy bilang content producer. Kung nasa kanila ang malalaking artista, sa kanila kukuha maging ang mga kalabang network, dahil wala nang malaking artistang available sa kanila eh.

Iyang mga ganyang scenario ang inaasahan naming gagawin nila kung hindi man makalusot ang kanilang franchise. Ang mga usapan kasi ngayon, bukod sa objections ng presidente sa kanila, may isang malaking religious group din na nagla-lobby para hindi na makalusot ang kanilang franchise renewal. Galit din umano ang mga leader ng religious group dahil sa hindi naging parehas na coverage sa isang controversy noon sa kanilang samahan.

Bagama’t marami naman ang nagsampa ng panukalang batas para mapalawig ang kanilang franchise, hindi nga iyon napag-usapan, at kung may ganyang lobby nga ang malaking religious group, malaki ang posibilidad na maraming mga congressmen na makikinig at susunod sa kanila, lalo na’t malapit na rin ang kasunod na eleksiyon.

Mahirap gumawa ng speculations. Hintayin na lang natin ang mangyayari.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …