Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
KC Concepcion Sharon Cuneta
KC Concepcion Sharon Cuneta

Sharon, dapat nga bang sisihin sa paglayo sa kanya ni KC?

PAKIRAMDAM ng mga netizen na buhay ng showbiz celebrities ang paboritong tinututukan, tuwing may post sa social media ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, nagpaparunggitan sila sa isa’t isa.

Pareho naman silang ayaw munang magpahinga sa pagpo-post sa Instagram ng mga saloobin nila, kaya’t laging may dahilan ang ilang netizens na mag-comment sa mga ipinapaskil ng mag-ina.

Nitong mga nagdaang araw, si Sharon ang napagdidiskitahang kastiguhin ng netizens na siyang dapat sisihin sa paglayo sa kanya ng nag-iisa n’yang anak. May nagpaparatang sa kanya na talaga naman na ‘di magiging lubusang malapit sa kanya si KC dahil hindi naman daw siya ang totoong nagpalaki nito kundi ang mga magulang n’yang sina Pablo Cuneta at Elaine Gamboa-Cuneta. 

Inamin naman ni Sharon na abala nga siya sa pagtatrabaho sa showbiz noong paslit pa si KC at hiwalay na siya kay Gabby Concepcion kaya’t ipinagkatiwala n’ya ang bata sa mga magulang n’ya.

Sagot n’ya sa nangastigo: “I worked to put food on our table because no one was helping me. My mom and dad helped raise her because I had to work. Parang mga OFW — kahit ayaw lumayo sa anak, nagtatrabaho.

“Nasaan siya ngayon [kung hindi] ako nagtrabaho? And I didn’t depend on my dad and mom except to take care of her while I was breaking my back and having no sleep to prepare for her future.”

May sagot ang megastar sa mga nagpapayo na parang mabababaw lang naman ang  mga ‘di nila pinagkakasunduan kaya’t madali na nila itong mapag-uusapan na silang dalawa lang kaysa nagpapaskil sila sa social media ng mga saloobin nila na nagiging dahilan para kastiguhin si Sharon ng maraming netizens. Ani Sharon: ”Wala kayong alam sa mga nangyayari. Ano ito, tampong ‘di matapos? Baka kaya mas malalim? Huwag na kasi makialam.”

Ano naman kayang malalim na dahilan ‘yon? Sino kaya ang mga may kinalaman sa malalim na dahilan na ‘yon?

Ipinagtapat pa ng megastar na ni hindi na nagte-text si KC sa kanya. (Pero sa isang interbyu naman kay Frankie Pangilinan, panganay ni Sharon kay Sen. Kiko Pangilinan, na nakikipag-komunikasyon sa kanya ang ate n’yang si KC. Pero ayaw ipagtapat ni Frankie sa kanilang ina ang mga napag-uusapan nilang magkapatid tungkol sa kanilang ina.)

Ang latest move ni KC sa Instagram n’ya ay ang video ng pakikipag-bonding  n’ya sa kanyang ama gayung ni hindi ito nagte-text sa kanyang ina. Nakaiinsulto nga naman ‘yon. Iginiit ni Sharon sa mga nangangastigo sa kanya na ‘di hinihiya ng isang mabuting anak ang mga magulang n’ya.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …