Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, payag mag-lesbian kung si Liza ang katambal

MAY bagong pakulo si Julia Barretto, kasunod ng mistulang gimmick n’ya na pagbubura sa Instagram ng mga litrato nila ni Joshua Garcia na katambal n’ya sa Block Z na sa January 29 pa pala ipalalabas sa mga sinehan.

Kamakailan ay ipinahayag n’yang papayag siyang gumawa ng isang lesbian film kung si Liza Soberano ang makakapareha n’ya.

Sa totoo lang, parang wala pa namang ganoong plano ang ABS-CBN para sa kanya.

Sinagot lang n’ya ang serye ng posts ng ilang fans na nagmumungkahi sa Black Sheep film company na sana ay pagawain si Julia ng lesbian film. Ang Black Sheep (na dibisyon ng Star Cinema) ang producer ng Block Z, kaya sa kanila ipinatungkol ang suggestion.

Ang nag-suggest sa Twitter ay isang tao na ang gamit na pangalan ay @erikabengzon. Actually, kay Liza naka-address ang tweet, pero naka-tag sa tweet ang mag-sweetheart na Black Sheep filmmakers na sina Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Heto ang tweet na ‘yon: ”LESBIAN MOVIE FOR @lizasoberano PLEASE HEAR ME OUT  @Black_SheepPH @danvillegas @tonetjadaone.” May kalakip ang tweet ng mga litrato ni Liza na naka-cap siya kaya mukha siyang lalaki. Ang mga litrato na ‘yon ay kuha sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya last year na kailangang magpaggap na lalaki si Liza.

Sinegundahan naman ng netizen na si @creselsantillan ang mungkahi. Aniya: ”Yes pls!!!! @Black_SheepPH and sana si @BarrettoJulia yung leading lady nya.”

Nabasa ni Julia ang tag sa kanya at deretsahang sumagot ito na: ”I’ll dooooo it.”

Agad namang sinuportahan ng ilang fans ang pagpayag ni Julia.

“I love you J,” @creselsantillan, tugon ng isang fan, na naglakip naman ng intimate photo collage ng totoo namang malapit na magkaibigang Julia at Liza.

Suporta naman ng isa pang fan sa Twitter n’ya: ”OMG bet, something new and as early as now pls take my money for this.”

Pero walang reply, habang isinusulat namin ito, ang mag-partner na sina Dan at Antoinette at ang sweetheart ni Enrique Gil sa tunay na buhay at sa bagong serye nilang Make It With You.

Parang busy din naman si Julia ngayon sa paggawa ng seryeng I Am U para sa iWant digital company, na katambal n’ya si Toni Labrusca. 

Okey lang naman na gumawa ng lesbian film sina Julia at Liza sa paglaon. Magiging very challenging yon para sa kanila.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …