Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Lito, lodi si Coco

PUWEDENG sabihing isa lang si Senador Lito Lapid sa bilib kay Coco Martin na sabi nga niya, ‘lodi’ niya ang bida, writer, at direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sinabi pa ng senador na kung maisipan ni Coco na pumasok sa politika,  tiyak mananalo ito dahil gusto siya ng tao lalo na ng kanyang mga manonood na ilang taon na ring binibitiwan sa sikat nitong teleserye.

In short, malaki ang bilib ng senador sa aktor na kung gustuhin mang  pasukin ang pagiging public servant at kumandidato, tiyak na ang panalo dahil mahal siya ng tao.

Pero may dahilan kung bakit ayaw pasukin ni Coco ang politika dahil tiyak pagpipi­yestahan ang kanyang pribadong buhay na isa sa ayaw nitong mangyari.

Minsang nagpahayag ang actor na hindi dahil isa siyang artista ay puwede nang katayin ang kanyang pribadong buhay. Dapat hindi ihalo ang kanyang buhay artista sa tunay na buhay.

Sa totoo lang, ang pagiging matulungin ng actor ang hinahangaan ng karamihan sa kanya lalo na iyong mga nabibigyan niya ng pagkakataong makaarte muli. Bukod pa ang mga wala sa showbiz kaya kahit wala siya sa katungkulan marami na siyang natutulungan kaya naman bakit pa niya kakailanganing pasukin ang politika kung magiging magulo lang naman ang kanyang buhay.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …