Thursday , December 19 2024

Juday, komportable nang gamitin ang salitang ampon

NOONG kinuha ni Brillante “Dante” Mendoza si Judy Ann Santos para gumanap na ina ng isang batang may terminal cancer sa pelikulang  Mindanao, alam kaya ng premyadong direktor na bago pa man magpakasal kay Ryan Agoncillo si Juday ay ina na siya ng isang batang babaeng ampon n’ya?

Wala pang nakaaalalang tanungin si Direk Dante kung kasama sa mga dahilan n’ya sa pagkuha kay Juday ang kasabikan ng aktres na maging ina bago pa man siya magkaasawa.

Parang laging nauungkat ngayon ang pagiging ina ni Juday sa batang ampon dahil nga sa papel n’ya sa naturang Metro Manila Film Festival entry bilang ina na tahimik na nanalig na pagagalingin ni Allah (pangalan ng Diyos sa relihiyon ng mga Muslim) ang anak n’ya.

Ipinagtatapat na ng aktres ngayon na ihinahanda na n’ya ang kanyang sarili sa pagdating ng panahon na sasabihin sa kanya ni Yohan (ang ampon n’yang anak na 15 years old na) na panahon na para hanapin nila ang biological parents.

Ginawa n’ya ang pag-amin sa interbyu sa kanya kamakailan sa Tonight With Boy Abunda ng Kapamilya Network. 

Sa iba’t ibang panahon ay itinanong na sa kanya ni Yohan, “Do you know my mom? Are you friends with my dad? Do you know where they live?”

Ang very honest na sagot naman n’ya sa lahat ng tanong ay, “No.” Pero hindi naman n’ya big­lang bina­bago ang usapan o bigla siyang tumatahimik para iparamdam sa bata na ayaw n’ya ang ganoong usapan.

Ginunita ni Juday sa interbyu na noong 26 years old na siya at dalaga pa, may nagdala sa kanya ng isang sanggol na babae. Dahil sabik na siyang maging isang ina, tinanggap n’ya ang sanggol. Hindi na siya nagtanong tungkol sa background nito, at nagawan naman ng paraan na maampon n’ya ang sanggol legally.

Pero nasabi na rin n’ya kay Yohan na, “Sweetheart, if at some point, you want to meet them, you want to talk to them, if you feel there are questions already in your heart that are piling up, and feeling mo sila lang ‘yung makasasagot, we can look for them, because that’s your right.”

Sa paglaon ay diniretso na rin siyang tanungin ni Yohan kung okey lang na hanapin nila ang biological parents n’ya “at some point.”

Paggunita ng nag-ampong ina, “Huminga lang ako nang malalim. Iyon pala ‘yon. Hindi mo naman siya ipinagdaramot. Pero from the time that she asked me that question, I was preparing myself every day, ‘Lord, dumating man ‘yung time na maging seryoso na ‘tong batang ‘to, i-prepare mo kami.’ Kasi hindi ko siya ipagkakait sa ganoon.”

Ipinaparamdam naman ni Juday kay Yohan kung gaano siya kahalaga sa kanilang mag-asawa (inampon na rin legally ni Ryan si Yohan).

Pagtatapat pa ni Juday, “We made her realize na Ryan and me started a family because of you (Yohan). Basically, ‘Ikaw ‘yung mitsa ng kandila ng pamilya natin.”

Ang kapatid ni Yohan na si Lucho ay 9 years old na, at magti-3 years old na si Luna. Ipinaliwanag ni Juday sa kanya na kaya Juan Luis ang buong pangalan ni Lucho, at Juana Luisa naman si Luna ay dahil ipinangalan sila kay Yohan na ang buong pangalan ay Johanna Louis.

“They are named after you. You came first, so always remember hindi ka basta salingkit dito. You started this family,” paniniguro n’ya kay Yohan.

Dati ay ‘di komportable ang aktres na gamitin ang salitang ampon ‘pag pinag-uusapan ang anak n’yang si Yohan. Ngayon nga ay hindi na.

Katwiran n’ya, “Eventually, I realized, it’s such a beautiful word. Napakagandang salita ang ‘adopted’ or ‘adoption,’ because somebody wanted you in their lives. They chose you.”

Samantala, kahit na may bahagi ang kanyang pelikula na tungkol sa digmaan, dahil sundalo ang mister ni Juday sa pelikula na tungkol sa pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak. Bagay sa Kapaskuhan ito dahil ang ugat ng Pasko ay tungkol sa paghahanap nina Jose at Birhen Maria ng pagsisilangan ng anak nilang si Hesus.

May animation (cartoons) sa pelikula na may kinalaman tungkol sa isang folk tale sa Mindanao na unti-unting ikinukuwento ni Juday sa anak n’ya sa istorya. Inamin naman ni Direk Dante na kaya n’ya isinama ang animated folk tale na ‘yon ay para maaakit ang mga bata na manood ng pelikula kasama ang kanilang mga magulang sa paparating ng 2019 Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula 

HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …

Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko 

I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …

Yasmien Kurdi Ayesha

Yasmien, Sec Sonny magkikita pambu-bully sa anak pag-uusapan 

HATAWANni Ed de Leon MAKIKIPAGKITA at handang makipagtulungan ang aktres na si Yasmien Kurdi sa DepEd na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *