Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
congress kamara

‘Tirador’ ng road signs may kulong at multa sa HB No. 2090 ni Abu

HUWAG kang magna­kaw, lalo ng road signs.

Ito ay ipinahiwatig ni Batangas Rep. Raneo Abu sa isang panuka­lang batas sa Kamara.

Ani Abu, sa pag­dinig ng House commit­tee on revision of laws dapat maparusahan ang mga nagnanakaw at sumisira ng road signs at iba pang warning devices sa kalsada.

Ang panukala ni Abu ay inaprobahan ng House Committee on Revision of Laws para maparusahan ang mga mapapatunayang nag­kasala ng mula 12 hang­gang 15 taon na pagka­ka­kulong o P200,000 hangang P300,000 mul­ta.

Ani Abu, inaproba­han na ang House Bill (HB) No. 2090 ng kan­yang inakda.

“These (road signs and warning devices) are installed as safeguards to motorists and pe­des­­trians to avoid loss of lives,” ani Abu.

Ayon sa datos ng Department of( Public Works and Highways (DPWH) may 42,558 pieces of signages at iba pang devices sa kalsada ang ninakaw o sinira mula 24 Enero 2013.

Dagdag ni Abu, ang pag sira ng road signs, warning devices at mga takip ng manhole ay dapat maparusahan ng anim hangang sampung taong pagkakabilango o pag­multahin ng P100,000 hangang P150,000.

Isinisi ni Abu ang pagkawala o pagkasira ng street signs sa pag­dami ng mga aksidente sa kalsada.

Ayon sa Philippine National Police — High­way Patrol Group (PNP-HPG) mula 20 Hunyo 2016, nagkaroon ng 15,272 aksidente sa kal­sa­da na nagresulta sa pagkamatay ng 1,252 noong 2014.

Ani Abu, tumaas ang bilang nito noong 2015 na nagkaroon ng 24,565 aksidente at pag­kawala ng 1,040 buhay.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …