Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maynilad, Manila Water bumigay kay Duterte

BUMIGAY ang Maynilad at Manila Water sa kagustohan ni Pangu­long Rodrigo Duterte na hindi siya papayag mag­bayad ang gobyerno sa concessionaires ng tubig ng mahigit P11 bilyon sa kasong isinampa laban sa gobyerno sa Singapore Permanent Court of Arbitration.

Sa pagdinig ng House committee on good govern­ment kahapon, sinabi ni Jose Almendras, presidente at CEO ng Manila Water; at Ramon­cito Fernandez, presidente at CEO ng Maynilad, hindi na sila maghahabol sa gobyerno.

“Hindi na namin haha­bulin ang P7.4 billion,” ani Almendras habang sinabi ni Fer­nandez na, “sang-ayon sa kagustohan ng Presidente at hindi na namin hahabulin ang arbitration award namin.”

Ang dalawang con­cessionaire sa tubig ay nagsampa ng kaso sa Permanent Court of Arbitration na nakabase sa Singapore bunsod ng pagbasura ng Metro­politan Water and Sewerage System (MWSS) sa hinihingi nilang pag­taas sa singil ng tubig.

Bukod dito, gina­waran ng mahigit P3 bilyon ng Singapore based PCA ang Maynilad mata­pos tanggihan ng gobyer­no ang kanilang petisyon na magtaas ng singil mula 2015 hanggang 2017.

Sinabi rin ng Maynilad at Manila Water na ipag­papaliban nila ng pag­tataas sa singil sa tubig sa susunod na taon.

Sa Susunod na pag­dinig, ipinatawag ng komite ang mga abogado ng gobyerno na may kaug­nayan sa agreement ng concessionaires at ng MWSS kasama na si dating Solicitor General Florin Hilbay.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …