Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May discrepancy pa sa Kamara at Senado… Pambansang budget aprobado sa Martes

AAPROBAHAN ng Kamara ang P4.1-trilyong pamban­sang budget sa Martes sa susunod na linggo.

Ayon kay House Com­mittee on Appropriations Chairman Isidro Ungab, tatapusin nila ang bicam sa 2020 budget sa Martes ng umaga para sa hapon ay maratipikahan na ito sa plenaryo ng dalawang kapu­lungan.

Sinabi ni Ungab na sini­sikap nilang makamit ang target sa mas maagang aprobasyon ng budget upang maisumite agad at mapapirma kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, itinanggi ni Committee on Appro­priations Vice Chairman Joey Salceda na may mga problema pa sa final version ng pambansang pondo.

Matatandaan na unang sinabi ni Salceda na may pag­kakaiba sa inilaang pondo ng Kamara at Senado sa Department of Health (DOH), Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Magkakaiba ang pro­bisyon ng dalawang kapu­lungan ng Kongreso kaug­nay sa budget ng DOH na P88.92 bilyon ang alokasyon ng Kamara pero P100.49 bilyon naman sa Senado.

Ang DOTr naman ay binigyan ng pondo ng Kamara na P146.04 bilyon mas mataaas kompara sa P120.32 bilyon ng Senado habang sa DPWH naman ay binigyan ng mga kongre­sista ng P529.75 bilyon pero P536.58 bilyon naman sa mga senador.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …