Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sila ang dapat mahiya ni Bea, sino ang pinatutungkulan?

PINAG-UUSAPAN hanggang ngayon ang simpleng comment lang ni Bea Alonzo nang matanong tungkol sa “ghosting” na “sila dapat ang mahiya.” Aba tama naman ang sinabi ni Bea, kung sino man ang naging two timer, at sino man ang naging taga-salo iyon ang mga dapat mahiya dahil sila ang may kasalanan sa isang tao eh. Magmalinis man ang third party na niligawan lang naman siya, maliwanag na nakipagsabwatan din siya lalo na kung alam niyang ang nanliligaw sa kanya ay may ibang karelasyon.

Nang sabihin iyon ni Bea, wala naman siyang tinutukoy na kahit na sinong tao. Ang sinasabi niya dapat mahiya ang gumagawa ng ganoon kahit na kanino pa nila ginawa iyon. Nagkataon nga lang siguro na nagkaroon ng ganoong kuwento tungkol kay Bea lately, pero itinuturo niya maging ang kanyang kaibigan at co-star sa Unbreakable na si Angelica Panganiban. Umuoo rin naman si Angelica sa pagsasabing dapat talaga mahiya ang gumagawa ng ganoon.

Pero kung minsan iyong mga gumagawa ng ganyan, hindi sila talaga nahihiya at siguro wala sa isip nila na kahihiyan ang kanilang ginagawa. In fact siguro nga kung hindi nagkakaroon ng public uproar, ipagmamalaki pa nila ang kanilang “ghosting.”

Kung sabihin nga ng ilan, masakit mang isipin, dito sa showbusiness normal na nga lang nangyayari iyang ganyang pagpapalitan ng mga syota. Mukhang masyadong maluwag nga ang moralidad sa showbusiness eh. Parang wala na rin silang pakialam sa iba, basta nasusunod ang gusto nila.

At ang masaklap, talagang hindi sila nahihiya.

Tama lang si Bea na magpaalala na kung sino man ang gumagawa ng ganyan (ghosting) dapat naman silang mahiya. Hindi maganda iyan. Hindi nila maipagmamalaki iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …