Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, insensitive sa mga maliliit sa showbiz?

MARAMI ang na-turn-off kay Vice Ganda noong gawing biro sa isang religious celebrity na kung puwede’y hulaan nito kung kailan matsutsugi ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi ba alam ni Vice na maraming kapwa artista lalo  na ‘yung mga extra at mga artistang dating na ang muling nabibigyan ng break sa showbiz dahil sa FPJAP?

Hindi ba siya naawang kapag natuldukan ang action-serye ni Coco Martin, marami ang mawawalan ng hanapbuhay.

Mabuti pa nga si Coco nakatutulong sa kapwa artista lalo na yung maliliit lang ang papel sa showbiz.

May nagtanong tuloy bakit hindi rin pahulaan ni Vice kung hanggang saan hahantong ang ilusyon niya kay Ion Perez.

Sana maging maingat ang komedyante sa pagbibiro. Very sensitive ang mga tao ngayon.

LT, simple lang ang acting sa Probinsyano

WALANG inaasahang award si Lorna Tolentino sa kanyang participation sa FPJ’s Ang Probinsyano. Hindi katulad ng mga nakaraan niyang palabas, simula pa lang umaariba na.

Sa FPJAP, bait-baitan lang ang role niya at nagpapanggap na iniibig din si Rowell Santiago.

May nagtatanong nga, hindi kaya ma-develop sina Lorna at Rowell bago matapos ang pagtatambal nila sa action-serye? Tutal, pareho naman silang single at may karapatang lumigaya.

Bayan ni Empoy, maliwanag na

MASAYA ang komedyantteng si Empoy Marquez para sa kanyang bayang Baliuag. Halata kasing nakahanda ang kanyang bayan sa darating na Kapaskuhan unlike last year na binabalot ng kalungkutan.

Madilim kasi noon ang kapaligiran lalo na sa park ng Baliuag.

Eh ngayon, very much inspired si Mayor Ferdie Estrella na pasayahin ang mga kababayan.

May nagbibiro nga tiyak dadagsain ng mga inaanak si Empoy ngayong Pasko dahil biglang sikat sa showbiz.

***

BIRTHDAY greetings to  November born—Joshua Garcia, Nadine Lustre, Tates Gana, Bryan Quitoriano, Andy Verde, at Arnold Clavio.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …