IGINIIT nina Rhen Escano at Cindy Miranda na hindi malaswa ang pelikula nilang Adan, mula Viva Films na mapapanood na sa mga sinehan sa Nobyembre 20.
“It’s about love eh. Hindi n’yo talaga makikita na malaswa siya. Hindi n’yo mapapanood na bold film ang pinanonood n’yo, kasi may pagmamahal siya. At noong ginawa namin ‘yon ibinigay namin lahat-lahat para maipakita sa mga direktor namin na hindi namin kailangan ng take 2. Na ibinigay namin ang 100 percent namin para one take lang maging maganda agad ang eksena,” sambit ni Rhen nang matanong kung nasarapan ba sila sa lovescene nila ni Cindy.
“Kami ni Cindy pinagtrabahuhan namin at nagbigayan kami para maibigay sa isa’t isa ‘yung hindi namin kailangang mag-worry o mailang sa isa’t isa. So nakatulong talaga iyon,” giit pa ni Rhen.
“At kapag nagmamahal tayo, sabi nila ‘love is blind’ nagugulat tayo sa standards ng tao. Kahit may nakikita tayong mali okey lang kasi hindi naman natin natuturuan ang puso. It’s just that nagka-ibigan ang dalawang babae wala namang mali roon. Kaya lang dahil Katolikong bansa ang Pilipinas, nagiging kasalanan ‘yon. O sa mata ng tao parang nakakadiri.
“Pero gusto naming ipaintindi sa kanila dahil nangyayari naman talaga na nagmamahalan lang talaga ang dalawang babae. And ‘yung experience na first time namin na mahalikan ang isang babae, wala talagang awkwardness. Nakagugulat man, nakakatuwa kasi na-inlove ako sa karakter ko. Na-inlove kami sa mga karakter namin. Nawala ‘yung limit namin bilang tao,” paliwanag naman ni Cindy.
Erotic thriller ang Adan na umiikot sa pag-iibigan at pagnanasa ng dalawang babae, at ang kanilang mga kasinungalingan.
Mula sa imahinasyon ni Yam Laranas, ang pelikulang ito ay pinagbibidahan nina Cindy (Bb. Pilipinas Tourism 2013) at Rhen (2016 Cinema One Originals Film Festival Best Supporting Actress nominee for Si Magdalola at ang mga gago. Ito ay idinirehe ni Roman Perez, Jr., .
Ang Adan ang ikatlong pelikula ni Perez bilang direktor. Ang una ay ang #Ewankosau Saranghaeyo noong 2015, pangalawa ang Sol Searching noong 2018. Ito ay nagwagi ng People’s Choice Award sa 2018 ToFarm Film. Bukod sa pagdidirehe, siya rin ang sumulat ng Sol Searching. Mula ito sa Viva Films, in cooperation with Aliud Entertainment at ImaginePerSecond.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio