Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, iginiit na wala silang away ni Lovi

NABALITA kamakailan ang pagkakaayos nina Marian Rivera at dating manager nitong si Popoy Caritativo. Si Popoy ang unang manager ni Yan-Yan bago lumipat sa Triple AAA management ni Rams David.

Hindi masabi ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Pero noong Biyernes, isang post ang nakita sa Instragram ni Marian at sa Facebook naman ni Popoy.

Caption ni Marian sa IG pix nila, ”Happy to see you, my momshie. Mahal kita mula noon, hanggang ngayon. @popoycaritativo.”

Muli, natanong si Marian ukol dito pati ang umano’y away nila ni Lovi Poe nang nag-renew siya ng kontrata sa Beautederm Home kahapon na isinagawa sa Luxent Hotel.

Ani Marian, “Ang kay Popoy (momshie) naman, ganito siya sa buhay ko, very vocal ako sa mga anak ko kung ano ang nagawa ni Popoy sa buhay ko at ipinapagpasalamat ko ng buong buhay ko iyon.”

Nilinaw naman niya na wala silang away ni Lovi. Hindi rin namain matandaan kung anoa ng naging away ng dalawa. Pero sa paghahanap namin, nakita namin ang balitang hindi umano nagpansinan ang dalawa sa ilang event na nagkita ang mga ito. Sinasabi pang ang hindi pagpapansinan ng dalawa ay dahil kay Heart Evangelista na kaibigan ni Lovi.

“Alam mo habang tumatanda ka minsan, siguro mas gugustuhin mo mas masarap na buhay na araw-araw kung may makakasalubong ka eh, lahat nakangiti sa iyo, ‘di ba?

“At wala kaming away ni Lovi at wala akong maisip na away namin ni Lovi. At nagpapasalamat ako sa ‘Sunday Pinasaya’ dahil doon kami nagtagpo at wala kaming usap, nagyakapan lang kami nagkumustahan kaming dalawa at napakasarap ng pakiramdam. Ang sarap ng ganoon eh, wala kang iniiwasang tao, masaya ka.

“Oo mas masarap ‘yun, ‘yung wala kang kaaway, lahat kabati mo. At saka ang tanda ko na. Dalawa na ang anak ko. Gusto kong makita ng anak ko na ang sarap ng buhay na walang kagalit. Mas masarap mabuhay ng puro pagmamahal ang ibibigay mo, ‘di ba. At ang bait ni Lord, lahat ibinigay niya na sa akin,” mahabang paliwanag ni Marian.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …