Sunday , December 22 2024

Yen Santos, proud sa kanilang pelikulang Two Love You

MARAMING makare-relate sa pelikulang Two Love You lalo sa LGBT community. Bukod sa mga aral na mapupulot sa pakikipagrelasyon, mayroon din itong aral para sa pamilya at sa pakikipagkaibigan at pakikipagkapwa tao.

Dito ay makikita ang husay sa pag-arte ni Yen Santos pagkatapos ng matagumpay niyang teleseryeng Halik. Ipinahayag ni Yen na sobra siyang nag-enjoy sa pelikulang ito. “Sabi ko nga after ng Halik, gusto ko ay light naman. Saktong-sakto naman na tumawag si Mama Ogie (Diaz) na ito ‘yung first project ko after ng Halik. Na eto, magko-comedy naman ako.

“So ang saya, kasi eto hindi tulad noon na kailangan mo ng mabigat na emosyon, tapos ang sasaya ng mga kasama mo. Mahal ko ang mga bakla, sobrang saya sa set, magaan katrabaho lahat, pati siyempre ‘yung direktor namin, okay si direk.”

Nabanggit din niya na proud siya sa pelikulang Two Love You na mula sa OgieD Productions, Inc., at Lonewolf Films, released by Viva Films.

Mula sa seryeng Halik na isang drama ay ginawa ni Yen ang pelikulang ito, mas mahirap ba ang comedy kaysa drama? “Parang ‘yung trabaho naman namin mahirap talaga, maging drama man o comedy. Kasi, kanya-kanyang strength iyan, e. So parang ito, trial pa lang sa akin kung kaya kong mag-comedy. But ang importante ay nag-enjoy akong gawin ‘yung pelikula. Alam ko maganda ang movie namin, maganda ‘yung kuwento at proud kami sa kabuuan ng movie namin.

“Hindi lang ito comedy, dito’y maraming life lessons, marami kang matututuhan about love, about sacrifices, forgiveness… pero ipinapangako namin na fun ito. Kung gusto mo lang na maging masaya, kung gusto mo lang na tumawa, eto na ‘yung pelikulang para sa iyo,” aniya pa.

Pahabol pa ni Yen, “I know na everyday ay parang stress ka na sa buhay mo, sa work and of course sa traffic. But I promise you na worth itong traffic na ipupunta mo sa sinehan. Kasi, minsan lang nabibigyan ng pagkakataon ‘yung unconventional family, na parang gusto naming ipakita na may ganoong klaseng love talaga. Na pagdating sa pag-ibig ay walang pinipiling gender. Sabi ko nga, you don’t fall in love with the gender, you fall in love with the person.

Makare-relate ba ang mga manonood sa movie nila? “Ah yes, very relatable siya na kapag nanood ka, masasabi mong, ‘Ako iyon, ako si Emma, ako si Lassy.’ Makikita mo ‘yung sarili mo movie. Kaya ang ganda, iyon naman kasi ang gusto kong mangyari talaga na kapag napapanood ako, na parang nagiging inspiration ako at nakare-relate sa akin iyong mga audience,” wika ni Yen.

Tampok din sa Two Love You sina Lassy Marquez, Kid Yambao, MC Calaquian, Arlene Muhlach, Dyosa Pockoh, Marissa Sanchez, Elaine Yu, at iba pa. Mula sa direksiyon ni Benedict Mique, showing na ito sa Nov. 13, 2019.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *