Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Circus sa bicam, ikinabahala ni Cayetano

NAGBABALA si House Speaker Alan Peter Caye­tano sa mga mam­babatas na ang kagus­tohan ni Sen. Panfilo Lacson na buk­san sa midya ang bicameral meetings sa  panu­kalang P4.1 tril­yong national budget para sa 2020 ay magi­ging circus.

Ani Cayetano, nag-aalala siya na ang mga miting na ito ay magi­ging paraan para umek­sena ang mga kongre­sista.

“We have to be very realistic on how we can get the job done. When you open it for live coverage, what will happen is many (lawmakers) will play to the media, play to the gallery, instead of really discussing the budget,” ani Cayetano sa interbyu kahapon.

Ayon kay Cayetano, kailangan i-formalize ng Senado ang panukala ni Lacson bago pormal na pag-usapan at desi­syo­nan ng mga kongresista.

Sinabi rin ni Cayetano kung bubuksan sa midya ang mga pag-uusap sa budget ay baka maantala ang pag pasa nito dahil magpapa-cute ang mga kongresista sa harap ng TV camera.

“When you open it to the media, it’ll be February, March, April and we still don’t have an approved budget. What good is the budget then?” aniya.

Inaasahan na ang Senado at ang Kamara ay mag- uusap sa tinatawag na “bicameral conference committee” upang pagtugmain ang magkakaibang bersyon ng General Ap­pro­priations Bill (GAB).

 (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …