NATALBUGAN ang movie nina Maine Mendoza at Carlo Aquino ng eskandalong ng Barretto sisters.
Imagine simula nang mamatay ang kanilang ama hanggang sa nailibing, sila pa rin ang hot topic. Samantalang ang pelikula nina Maine at Carlo, tuluyan nang hindi napag-usapan.
Dahil ba sa hindi talaga nag-click ang tambalang Maine at Carlo? Nakalulungkot naman?
Samantalang panalo kung box office ang pag-uusapan ang paglalabasan ng baho ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.
Grabe pa naman ang promo ng pelikula nina Maine at Carlo dahil siguro akala ng Black Sheep na magiging sinlakad ito ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Pero tila sumablay dahil tahimik at wala kaming naririnig kung magkano na ba ang kinita nito.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales