Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Vico, iniaangal na ng ilang Pasigueño

ISANG mapagkakatiwalaang source ang nagtsika sa amin tungkol sa kung paano pamunuan ni Mayor Vico Sotto ang siyudad ng Pasig.

Mukha raw hindi aware ang simpatikong alkalde na dumarami pala ang mga ‘di nagkakagusto sa kanyang management style.

Nagsisisi ang karamihan sa amin, lalo na ‘yung mga senior citizen, kung bakit siya ang ibinoto namin at hindi ang pinalitan niyang si Mayor Eusebio,” simula ng isang Pasigueno.

Hindi lang daw ito ang inirereklamo ng hanay ng mga elderly laban kay Vico.

Mukha raw kasing hindi aware ang binata nina Vic Sotto at Coney Reyes na lihim siyang tampulan ng mga kuwento among the city hall employees.

Alam kaya ni Mayor Vico na marami nang mga empleado ang isa-isang nagre-resign dahil hindi nila masikmura ang pagpasok ng mga batchmate niya sa munisipyo?”  dagdag pa nito.

Hindi naman daw kasi mga lehitimong taga-Pasig ang mga ‘yon, “Hindi ba dapat mas priority niya ang mga residente ng Pasig at ‘di mga kaeskuwela niya?”

Si Vico ay nagtapos sa Ateneo de Manila University.

Palagay namin, iilan lang kundi man wala sa kanyang mga batchmate ang magnanais magtrabaho sa city hall kung mas may mataas na posisyong naghihintay sa kanila.

Gusto naming maniwala na tototohanin ni Vico ang kanyang firm resolve noon na wakasan ang mga uri ng katiwalian na mismong nagaganap sa pamahalaan ng Pasig.

Dapat pa nga’y nagpapakitang-gilas si Vico gayong bagito pa lang siya. And if there’s one person na unang-unang kakastigo sa kanya, ‘yun ay walang iba kundi si Coney na isang renewed Christian.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …