Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah, umurong kay Daniel; Tambalang Daniel at Liza, papatok

SI Sarah Geronimo pala ang medyo umurong na itambal siya kay Daniel Padilla. Ngayon may mga kondisyon siya. Kailangan siguradong maganda ang pelikula. Kailangan hindi isang formula movie. Kailangan iyong naiiba talaga. Kung ganoon ang project willing siyang makatambal si Daniel.

Nagiging wise lang si Sarah. Mahirap talagang maging leading man si Daniel dahil alam ng lahat na nakagawa siya ng isang pelikulang box office hit of all time. Kung gagawa ka ng pelikulang kasama si Daniel at hindi ganoon kalaki ang kikitain, aba eh kawawa ka.

Hindi sasabihing mahina si Daniel eh, ang sasabihin nabatak mo pababa. Kasi siya consistent na mataas ang kita ng kanyang mga pelikula. Hindi pa rin naman nakagagawa si Sarah ng isang hit na ganoon kalaki. Isa pa, kung hindi kikita nang malaki, mawawala na ang pagiging box office star ni Sarah dahil lalabas talo na rin siya ni Kathryn Bernardo.

Ngayon kung talaga nga namang naiiba ang pelikula nila, at siguradong hindi man makapantay ay dikit naman sa kita ng karaniwang pelikula ni Daniel, ok lang iyon.

Isa pa, hindi naman sila bagay na love team talaga.

Alam naman ng tao na ang boyfriend niya ay si Matteo Guidicelli. Alam din ng tao na ang syota ni Daniel ay si Kathryn. Medyo may agwat din naman ang kanilang edad.

Kung kami nga ang tatanungin, mas susugalan namin talaga ang isang tambalan nina Daniel at Liza Soberano, parang mas bagay. Nagko-compliment kasi pati ang kanilang hitsura. Mukhang pareho rin ang kanilang market, kaya mas maganda ang chances.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …